Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ipinakikita sa Atin ni Jehova Kung Paano Bibilangin ang Ating mga Araw
    Ang Bantayan—2001 | Nobyembre 15
    • 4-6. Paanong isang “tunay na tahanang dako” si Jehova para sa atin?

      4 Nagsimula ang salmista sa ganitong pananalita: “O Jehova, ikaw ay naging tunay na tahanang dako namin sa sali’t salinlahi. Bago naipanganak ang mga bundok, o bago mo iniluwal na waring may mga kirot ng pagdaramdam ang lupa at ang mabungang lupain, mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda ay ikaw ang Diyos [o, ang Makapangyarihan].”​—Awit 90:1, 2, talababa sa Ingles.

  • Ipinakikita sa Atin ni Jehova Kung Paano Bibilangin ang Ating mga Araw
    Ang Bantayan—2001 | Nobyembre 15
    • 7. Sa anong diwa “naipanganak” ang mga bundok at iniluwal ang lupa na waring may “mga kirot ng pagdaramdam”?

      7 Umiral na si Jehova bago “naipanganak” ang mga bundok o bago iniluwal ang lupa na waring may “mga kirot ng pagdaramdam.” Kung titingnan mula sa pangmalas ng tao, ang paglikha sa lupa lakip na ang lahat ng katangian nito, kimikal na kayarian, at masalimuot na mga mekanismo nito ay nangangailangan ng malaking pagsisikap. At sa pagsasabing “naipanganak” ang mga bundok at iniluwal ang lupa na waring may “mga kirot ng pagdaramdam,” ipinakikita ng salmista ang matinding paggalang sa laki ng gawaing nasangkot nang lalangin ni Jehova ang mga bagay na ito. Hindi ba’t dapat na magkaroon tayo ng gayunding paggalang at pagpapahalaga sa gawang-kamay ng Maylalang?

      Si Jehova ay Laging Handang Tumulong sa Atin

      8. Ano ang ibig sabihin ng pananalitang si Jehova ay Diyos “mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda”?

      8 “Mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda ay ikaw ang Diyos,” ang awit ng salmista. Ang “panahong walang takda” ay maaaring tumukoy sa mga bagay na may wakas ngunit ang itatagal nito ay hindi pa itinakda. (Exodo 31:16, 17; Hebreo 9:15) Gayunman, sa Awit 90:2 at sa iba pang bahagi ng Kasulatang Hebreo, ang “panahong walang takda” ay nangangahulugang “walang hanggan.” (Eclesiastes 1:4) Hindi mauunawaan ng ating isipan kung paano posibleng ang Diyos ay laging umiiral. Gayunman, si Jehova ay walang pasimula at hindi magkakaroon ng wakas. (Habakuk 1:12) Siya ay magiging laging buháy at handang tumulong sa atin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share