Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ‘Umuunlad sa Panahon ng Pagiging May-uban’
    Ang Bantayan—2007 | Setyembre 15
    • ‘Umuunlad sa Panahon ng Pagiging May-uban’

      MARAMING taga-Mediteraneo ang nagtatanim ng mga palmang datiles sa kanilang bakuran. Kilala ang mga punong ito dahil sa kagandahan at masarap na bunga nito. Bukod diyan, patuloy na namumunga ang mga ito sa loob ng mahigit na sandaang taon.

  • ‘Umuunlad sa Panahon ng Pagiging May-uban’
    Ang Bantayan—2007 | Setyembre 15
    • Hindi lamang magagandang babae ang inihahalintulad sa puno ng palma. Umawit ang salmista: “Ang matuwid ay mamumukadkad na gaya ng puno ng palma; gaya ng sedro sa Lebanon, siya ay lálakí. Yaong mga nakatanim sa bahay ni Jehova, sa mga looban ng aming Diyos, sila ay mamumukadkad. Uunlad pa rin sila sa panahon ng kanilang pagiging may-uban, mananatili silang mataba at sariwa.”​—Awit 92:12-14.

      Ang mga tapat na naglilingkod sa Diyos sa kabila ng kanilang pagtanda ay nakakatulad ng magandang puno ng palma sa maraming paraan. “Ang ulong may uban ay korona ng kagandahan kapag ito ay nasusumpungan sa daan ng katuwiran,” ang sabi ng Bibliya. (Kawikaan 16:31) Bagaman humihina ang kanilang pangangatawan dahil sa pagtanda, mapananatili ng mga may-edad na ang kanilang espirituwal na lakas sa pamamagitan ng regular na pag-aaral ng Salita ng Diyos, ang Bibliya. (Awit 1:1-3; Jeremias 17:7, 8) Dahil sa kanilang kalugud-lugod na mga salita at magagandang halimbawa, ang tapat na mga may-edad na ay malaking pampatibay-loob sa iba at patuloy na umuunlad o namumunga ng mabubuting gawa taun-taon, gaya ng palmang datiles.​—Tito 2:2-5; Hebreo 13:15, 16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share