Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ginagawang Bago ang Lahat ng Bagay—Gaya ng Inihula
    Ang Bantayan—2000 | Abril 15
    • 10. Paano natin uunawain ang bagong “lupa” na inihula ni Isaias?

      10 Sa Bibliya, ang “lupa” ay hindi palaging tumutukoy sa ating globo. Halimbawa, literal na sinasabi sa Awit 96:1: ‘Umawit kay Jehova, buong lupa.’ Alam natin na ang ating planeta​—ang tuyong lupa at ang malalawak na karagatan​—ay hindi makaaawit. Ang mga tao ang umaawit. Oo, ang Awit 96:1 ay tumutukoy sa mga tao sa lupa.a Subalit binabanggit din sa Isaias 65:17 ang “mga bagong langit.” Kung ang “lupa” ay kumakatawan sa isang bagong lipunan ng mga tao sa lupang tinubuan ng mga Judio, ano naman kaya ang “mga bagong langit”?

  • Ginagawang Bago ang Lahat ng Bagay—Gaya ng Inihula
    Ang Bantayan—2000 | Abril 15
    • a Ganito ang salin ng The New English Bible sa Awit 96:1: “Umawit sa PANGINOON, lahat ng mga tao sa lupa.” Ang The Contemporary English Version ay kababasahan: “Lahat ng nasa lupang ito, umawit ng mga papuri sa PANGINOON.” Kasuwato ito ng pagkaunawa na sa pagbanggit sa “bagong lupa” si Isaias ay tumutukoy sa bayan ng Diyos sa kanilang lupain.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share