Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—2006 | Enero 1
    • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

      Sinasabi sa Awit 102:26 na “maglalaho” ang lupa at ang langit. Ang pananalita bang iyan ay nangangahulugan na mawawasak ang planetang Lupa?

      Sa isang panalangin kay Jehova, sinabi ng salmista: “Noong sinaunang panahon ay inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa, at ang langit ay gawa ng iyong mga kamay. Sila ay maglalaho, ngunit ikaw ay mananatiling nakatayo; at tulad ng isang kasuutan ay maluluma silang lahat. Tulad ng pananamit ay papalitan mo sila, at matatapos ang kanilang kapanahunan.” (Awit 102:25, 26) Ipinakikita ng konteksto na tumutukoy ang mga talatang ito, hindi sa pagkawasak ng lupa, kundi sa pagkawalang-hanggan ng Diyos. Ipinakikita rin ng konteksto kung bakit ang mahalagang katotohanang iyan ay nakaaaliw sa mga lingkod ng Diyos.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—2006 | Enero 1
    • Gayunman, maging ang napakatagal na pag-iral ng lupa at ng langit ay hindi maihahambing sa walang-hanggang pag-iral ni Jehova. Idinagdag pa ng salmista: “Sila [ang lupa at ang langit] ay maglalaho, ngunit ikaw ay mananatiling nakatayo.” (Awit 102:26) Ang literal na lupa at langit ay maaaring maglaho. Totoo, may sinabi si Jehova na mananatili magpakailanman ang mga ito. (Awit 119:90; Eclesiastes 1:4) Ngunit maaaring wasakin ng Diyos ang mga ito kung iyan ang kaniyang layunin. Sa kabaligtaran naman, ang Diyos ay hindi mamamatay. ‘Nananatili lamang magpakailanman’ ang pisikal na mga nilalang dahil pinananatili ng Diyos ang pag-iral ng mga ito. (Awit 148:6) Kung hindi aalagaan ni Jehova ang pisikal na mga nilalang, “tulad ng isang kasuutan ay maluluma silang lahat.” (Awit 102:26) Kung paanong napaglulumaan ng mga tao ang kanilang damit, maaaring lumipas ang mga nilalang ni Jehova​—kung gugustuhin niya ito. Ngunit nalalaman natin mula sa ibang mga teksto na hindi gayon ang kaniyang layunin. Tinitiyak sa atin ng Salita ng Diyos na nilayon ni Jehova na manatili magpakailanman ang literal na lupa at langit.​—Awit 104:5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share