Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Dumarating na Wakas ng “Aklat ng mga Digmaan ni Jehova”
    Ang Bantayan—1990 | Hulyo 1
    • 12. Si Melquisedec ay lumarawan sa anong lalong dakilang Haring-Saserdote ng Kataas-taasang Diyos, at sa anong awit na kinatha ni David nakausap ang isang ito bilang isang saserdote at mandirigma?

      12 Matapos magapi ni Abraham si Chedorlaomer at ang kaniyang kaalyadang mga hari, siya’y binasbasan ni Melquisedec. Ang Haring-Saserdoteng si Melquisedec ay makahulang lumarawan sa Isa na magiging ang Mataas na Saserdote ng Kataas-taasang Diyos at isa ring makapangyarihang mandirigma na itinataguyod ng Pinakamataas na Diyos. Sa Awit 110, na ang mandirigmang-haring si David ang kinasihang kumatha, ang kinakausap ay ang Isang ito na lalong dakila kaysa kay Melquisedec ng Salem nang sabihin nito: “Pararatingin ni Jehova ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion, na nagsasabi: ‘Magpunò ka sa gitna ng iyong mga kaaway.’ Sumumpa si Jehova (at hindi niya panghihinayangan iyon): ‘Ikaw ay saserdote hanggang sa panahong walang takda ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec!’ Si Jehova mismo sa iyong kanang kamay ang tiyak na dudurog sa mga hari sa araw ng kaniyang galit.”​—Awit 110:2, 4, 5.

      13. Sa Hebreo kabanata 7 at 8, ang Isang lalong dakila kaysa sa sinaunang si Melquisedec ay ipinakikilala na sino, at sa anong matayog na dako pumasok ang Isang ito at may taglay na anong uri ng hain?

      13 Ang kinasihang manunulat ng aklat ng Hebreo ay nagsiwalat kung sino ang Isa na talagang kinauukulan ng mga salitang iyon nang kaniyang sabihin: “Isang tagapanguna ang pumasok alang-alang sa atin, si Jesus, na naging mataas na saserdote magpakailanman ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.” (Hebreo 6:20) Sa sumusunod na kabanata ng Hebreo, ang kadakilaan ng sinaunang Melquisedec ay ipinaliliwanag. Gayunman, ang kaniyang kadakilaan bilang saserdote ay nahihigitan ng Isa na kaniyang inilarawan, ang binuhay-muli, niluwalhating si Jesu-Kristo, na pumasok sa banal na presensiya ng Diyos na Jehova mismo taglay ang halaga ng isang hain na lalong dakila kaysa ano pa man na maaaring maihandog ng Haring-Saserdoteng si Melquisedec ng Salem.​—Hebreo 7:1–8:2.

  • Ang Dumarating na Wakas ng “Aklat ng mga Digmaan ni Jehova”
    Ang Bantayan—1990 | Hulyo 1
    • 17. Sino ang susuguin ni Jehova upang makipagbaka bilang kumakatawan sa kaniyang pangalan, at sa gayo’y ano ang ipakikita niya sa lahat ng bansa ngayon?

      17 Sa takdang panahon, susuguin ng Diyos na Jehova si Jesu-Kristo, ang Lalong-dakilang Melquisedec, bilang isang makapangyarihang mandirigma. Sa pamamagitan niya, si Jehova’y gagawa ng pangalan para sa kaniyang sarili na anupa’t nakahihigit pa kaysa ano pa man noong nakalipas ayon sa pagkalahad sa aklat ng Mga Digmaan ni Jehova o sa Kasulatang Hebreo ng Banal na Bibliya. Sa huling kabanata ng pangalawa-sa-huling aklat ng Kasulatang Hebreo, isang sama-samang pag-atake ng mga bansa laban sa Jerusalem ang inihula. Pagkatapos, sang-ayon sa Zacarias 14:3, “Si Jehova ay tunay na lalabas at makikidigma laban sa mga bansang iyon gaya sa araw ng kaniyang pakikidigma, sa araw ng pagbabaka.” Sa ganitong paraan ang Diyos ng Bibliya ay magtatanghal sa lahat ng modernong mga bansa na siya pa rin ang Diyos na mandirigma gaya noong mga kaarawan ng sinaunang Israel.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share