-
Maingat na Pagsunod sa mga Utos ng HariAng Bantayan—1986 | Hunyo 1
-
-
“Ako’y sa iyong mga utos mababahala, at ako’y sa iyong mga daan titingin. Sa iyong mga batas ay magpapakita ako ng pagkahilig. Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.”—AWIT 119:15, 16.
1. Bakit bawat isa at lahat ng bagay ay nasa ilalim ng mga utos ni Jehova?
BAWAT isa at lahat ng bagay ay nasa ilalim ng mga utos ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat na si Jehova, ang Haring walang hanggan. Siya ang Isa na lumikha ng sansinukob. Siya ang Bukal ng lahat ng buhay. Kaniyang inanyuan ang lupa at inihanda ito para tahanan. Siya ay isang Diyos ng kaayusan, at sa pamamagitan ng pagpapasunod ng kaniyang mga batas, mapananatili ang mabuting kaayusan sa buong sangnilalang niya.—Awit 36:9; Isaias 45:18; Apocalipsis 15:3.
-
-
Maingat na Pagsunod sa mga Utos ng HariAng Bantayan—1986 | Hunyo 1
-
-
4. Ano ang maaaring piliin ng mga tao, na may anong resulta?
4 May pagkakaiba kung tungkol sa mga tao. Tayo’y nilalang na kawangis ng Diyos, at tayo’y makapipili. Gayumpaman, bagama’t hindi tayo sinangkapan ni Jehova ng abilidad na kumilos nang may katalinuhan sa pamamagitan lamang ng katutubong gawi, hindi rin naman niya tayo pinabayaan na maging walang-alam. Sa pamamagitan ng kaniyang Salita ang Bibliya, kaniyang ibinibigay sa atin ang kaniyang mga utos para sa pagtatamo ng buhay. Kung maingat na susundin natin ang mga utos na iyan ng Hari, tayo’y mabubuhay. Kung gagamitin natin ang ating kalayaan upang ipagwalang-bahala ang mga iyan at lalakad tayo ng ating sariling lakad, tayo’y mamamatay. Kailangang sumunod tayo para manatiling buháy. Simpling-simple iyan. “Ang iyong salita ay ilawan sa aking paa, at tanglaw sa aking daan,” ang sabi ng salmista. Sa kabilang dako, ang isang naiibang “daan ay baka tinging matuwid sa isang tao, subalit ang dulo niyaon ay baka landas patungo sa kamatayan.” (Awit 119:105; Kawikaan 14:12, The New English Bible) Sa panahong ito ng kawakasan, mahalaga na sumunod tayo sa sinasabi ng Awit 119:15, 16, na tumutukoy kay Jehova: “Ako’y sa iyong mga utos mababahala, at ako’y sa iyong mga daan titingin. Ako’y magpapakita ng hilig sa iyong mga tuntunin. Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.”
-