Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paano Tayo Magiging Malinis sa Harap ng Diyos?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 2. Para maging malinis, anong mga gawain ang dapat nating iwasan?

      Pinapayuhan tayo ng Bibliya na “linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karumihan ng laman at espiritu.” (2 Corinto 7:1) Kaya nagsisikap tayo na iwasan ang anumang gawain na nagpaparumi sa ating katawan at isipan. Dapat na nagpapasaya kay Jehova ang mga iniisip natin kaya nagsisikap tayong alisin ang maruruming kaisipan. (Awit 104:34) Iniiwasan din natin ang masasama at malalaswang salita.​—Basahin ang Colosas 3:8.

      Ano pa ang dapat nating gawin para maging malinis sa pisikal at moral na paraan? May ilang substansiya na nakakapagparumi ng katawan. Kaya hindi tayo gagamit ng tabako, sigarilyo, nganga, o dahon ng coca. Iiwasan din natin ang pag-abuso sa nakakaadik na droga. Kapag ginawa natin ito, magiging maganda ang kalusugan natin. Ipinapakita rin nito na nirerespeto natin ang regalong buhay. Nagsisikap din tayong maging malinis sa moral kapag iniiwasan natin ang maruruming gawain gaya ng masturbasyon at panonood ng pornograpya. (Awit 119:37; Efeso 5:5) Hindi madaling labanan ang mga gawaing ito, pero matutulungan tayo ni Jehova.​—Basahin ang Isaias 41:13.

  • Paano Tayo Magiging Malinis sa Harap ng Diyos?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 5. Labanan ang maling mga kaisipan at gawain

      Basahin ang Colosas 3:5. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Para kay Jehova, bakit maruruming gawain ang pornograpya, sexting, at masturbasyon?

      • Sa tingin mo, puwede ba tayong maging malinis sa moral gaya ng inaasahan ni Jehova sa atin? Bakit?

      Tingnan kung paano lalabanan ang maling mga kaisipan. Panoorin ang VIDEO.

      VIDEO: Patuloy na Maging Malinis (1:​51)

      Gamit ang isang ilustrasyon, ipinakita ni Jesus na dapat tayong kumilos agad para manatiling malinis sa moral. Basahin ang Mateo 5:​29, 30. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Hindi sinasabi ni Jesus na dapat nating saktan ang sarili natin, pero sinasabi niya na kailangan tayong kumilos. Ano ang dapat gawin ng isang tao para maalis ang maling mga kaisipan?b

      Kung pinaglalabanan mo ang maling mga kaisipan, pinapahalagahan ni Jehova ang mga pagsisikap mo. Basahin ang Awit 103:​13, 14. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Kung may bisyo ka na gusto mong alisin, paano makakatulong ang tekstong binasa para patuloy mo itong mapaglabanan?

      “Huwag Kang Susuko!”

      Madaling isipin, ‘Bumalik na naman ako sa bisyo ko, hindi ko talaga kayang huminto!’ Pag-isipan ito: Kapag nadapa ang isang mananakbo, hindi ibig sabihin nito na talo na siya o kailangan niyang magsimula ulit. Ganiyan din kapag bumalik ka sa bisyo mo, hindi ibig sabihin nito na talo ka na o hindi mo kayang mapaglabanan ang bisyo mo. Hindi rin sayang ang mga nagawa mo. Normal na mangyari iyan sa mga may bisyo. Pero huwag kang susuko! Matutulungan ka ni Jehova na maitigil ang mga bisyo mo.

      Mananakbo na tumatayo mula sa pagkakadapa.
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share