Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pahalagahan ang Regalong Buhay
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 5. Pahalagahan ang buhay ng sanggol na hindi pa naipapanganak

      Babaeng buntis na nakahawak sa tiyan niya.

      Ipinaliwanag ni David na interesadong-interesado si Jehova sa nangyayari sa isang sanggol na hindi pa naipapanganak. Basahin ang Awit 139:​13-17. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Para kay Jehova, kailan nagsisimula ang buhay: kapag nasa tiyan pa lang ang bata o kapag naipanganak na ito?

      Naprotektahan ng batas ni Jehova sa sinaunang Israel ang mga nanay at ang sanggol na hindi pa naipapanganak. Basahin ang Exodo 21:​22, 23. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano ang tingin ni Jehova sa isang tao na nakaaksidente at nakapatay ng sanggol na hindi pa naipapanganak?

      • Ano naman ang tingin niya sa mga sadyang gumawa nito?b

      • Ano ang nararamdaman mo sa pananaw na ito ng Diyos?

      Panoorin ang VIDEO.

      VIDEO: Gaya ng Diyos, Pahalagahan ang Buhay (5:​00)

      Kahit pinapahalagahan ng isang babaeng buntis ang buhay, baka maisip niya na aborsiyon lang ang magagawa niya. Basahin ang Isaias 41:10. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Kung nape-pressure ang isang babae na magpalaglag, kanino siya dapat humingi ng tulong? Bakit?

  • Pahalagahan ang Regalong Buhay
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • b Ang mga nagpa-abort ay hindi dapat sobrang makonsensiya. Mapapatawad sila ni Jehova. Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang artikulong “Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Aborsiyon?” na nasa seksiyong Tingnan Din ng araling ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share