Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawing Alalay Mo ang Walang-Hanggang mga Bisig ni Jehova
    Ang Bantayan—1991 | Oktubre 1
    • 15. Ano ang pinakadiwa ng mga salita ni David sa Awit 19:7-13?

      15 Bagaman iniibig natin ang kautusan ni Jehova, tayo’y nagkakasala kung minsan. Walang alinlangan na ito ay bumabagabag sa atin, gaya ng pagkabagabag ni David, na para sa kaniya ang mga batas ng Diyos, mga paalaala, mga utos, at makatarungang mga hatol ay higit na kanais-nais kaysa ginto. Sinabi niya: “Ang sarili mong lingkod ay pinapag-iingat nito; sa pagsunod dito ay may malaking gantimpala. Mga pagkakamali​—sino ang makauunawa? Ako’y iyong pawalan ng sala sa mga kubling kasalanan. At sa mga gawang kapalaluan ay pigilin mo ang iyong lingkod; ang mga yao’y huwag mong pagtaglayin ng kapangyarihan sa akin. Kaya naman ako’y magiging sakdal, at magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang.” (Awit 19:7-13) Ating suriin ang mga salitang ito.

  • Gawing Alalay Mo ang Walang-Hanggang mga Bisig ni Jehova
    Ang Bantayan—1991 | Oktubre 1
    • 17. Papaano naaapektuhan ang isang tao ng ikinubling mga kasalanan, gayunman ay papaano matatamo ang kapatawaran at kaginhawahan?

      17 Ang kubling mga kasalanan ay maaaring maging sanhi ng pagkabagabag. Sang-ayon sa Awit 32:1-5, sinikap ni David na ikubli ang kaniyang kasalanan, ngunit siya’y nagsabi: “Nang ako’y tumahimik ay nanlumo ang aking mga buto dahil sa aking pag-angal buong araw. Sapagkat araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay. Ang halumigmig ng aking buhay ay naging gaya ng sa kasagsagan ng tag-init.” Ang pagsisikap na sugpuin ang isang budhing nagkasala ay nagdulot kay David ng panlulumo, at dahilan sa pamimighati ay nawala ang kaniyang kasiglahan at naging mistulang punong-kahoy na natutuyuan ng nagbibigay-buhay na halumigmig sa panahon ng tagtuyot o sa kasagsagan ng tag-init. Malamang na naapektuhan ang kaniyang isip at pangangatawan at nawalan ng kagalakan dahilan sa pinagtakpan niya iyon. Tanging ang pagpapahayag niyaon sa Diyos ang makapagdadala ng kapatawaran at kaginhawahan. Sinabi ni David: “Maligaya siyang pinatawad ang pagsalangsang, na natakpan ang kasalanan. . . . Ang aking kasalanan ay sa wakas ipinagtapat ko sa iyo, at ang aking kasalanan ay hindi ko ikinubli. Aking sinabi: ‘Aking ipagtatapat kay Jehova ang aking mga pagkakasala.’ At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking mga kasalanan.” Ang maibiging tulong buhat sa Kristiyanong matatanda ay makatutulong upang muling manumbalik ang espirituwalidad.​—Kawikaan 28:13; Santiago 5:13-20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share