Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Si Jehova—Ang Isa na Malakas ang Kapangyarihan
    Ang Bantayan—2000 | Marso 1
    • 5. Anong patotoo ng lakas ni Jehova ang masusumpungan natin sa kaniyang mga gawa?

      5 Kung ating ‘sasaliksikin ang mga gawa ng Diyos’ gaya ng ginawa ni David, makikita natin ang patotoo ng kaniyang kapangyarihan saanman​—sa hangin at alon, sa kulog at kidlat, sa malalaking ilog at mariringal na bundok. (Awit 111:2; Job 26:12-14) Isa pa, gaya ng ipinaalaala ni Jehova kay Job, ang mga hayop ay nagpapatotoo sa Kaniyang lakas. Kabilang sa mga ito ang Behemot, o ang hippopotamus. Sinabi ni Jehova kay Job: “Ang lakas niya ay nasa kaniyang mga balakang . . . Ang malalakas na buto niya ay tulad ng mga tungkod na hinubog na bakal.” (Job 40:15-18) Ang nakatatakot na lakas ng torong gubat ay kilalang-kilala rin noong panahon ng Bibliya, at nanalangin si David na sana’y makaligtas siya mula sa “bibig ng leon, at mula sa mga sungay ng torong gubat.”​—Awit 22:21; Job 39:9-11.

      6. Ano ang isinasagisag ng toro sa Kasulatan, at bakit? (Tingnan ang talababa.)

      6 Dahil sa lakas nito, ang toro ay ginagamit sa Bibliya upang sumagisag sa kapangyarihan ni Jehova.c Ang pangitain ni apostol Juan hinggil sa trono ni Jehova ay naglalarawan sa apat na nilalang na buháy, na isa sa mga ito ay may mukhang gaya ng isang toro. (Apocalipsis 4:6, 7) Lumilitaw na isa sa apat na pangunahing katangian ni Jehova na inilalarawan ng mga kerubing ito ay ang kapangyarihan. Ang iba pa ay pag-ibig, karunungan, at katarungan. Yamang ang kapangyarihan ay isang mahalagang aspekto ng personalidad ng Diyos, ang maliwanag na pagkaunawa sa kaniyang kapangyarihan at kung paano niya ito ginagamit ay magpapalapit sa atin sa kaniya at tutulong sa atin na matularan ang kaniyang halimbawa sa pamamagitan ng mainam na paggamit ng anumang kapangyarihang taglay natin.​—Efeso 5:1.

  • Si Jehova—Ang Isa na Malakas ang Kapangyarihan
    Ang Bantayan—2000 | Marso 1
    • c Ang torong gubat na tinutukoy sa Bibliya ay malamang na ang aurochs (Latin urus). Dalawang libong taon na ang nakalilipas, ang mga hayop na ito’y natagpuan sa Gaul (ngayo’y Pransiya), at isinulat ni Julius Caesar ang sumusunod na paglalarawan sa mga ito: “Ang mga uri na ito ay maliit-liit lamang nang kaunti sa sukat ng elepante, ngunit ang pag-uugali, kulay, at hitsura ng mga ito ay gaya ng sa mga toro. Napakalalakas nito, at napakabibilis: walang pinaliligtas na tao o hayop ang mga ito minsang mamataan nila ang mga ito.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share