Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang Batas ni Jehova” ay Hindi Mabibigo
    Ang Bantayan—2004 | Hulyo 15
    • Nagkakagulo ang mga Bansa

      4. Paano mo ibubuod ang pangunahing mga punto ng Awit 2:1, 2?

      4 Bilang pagtukoy sa mga pagkilos ng mga bansa at ng kanilang mga tagapamahala, pinasimulan ng salmista ang kaniyang komposisyon sa pamamagitan ng pag-awit: “Bakit nagkakagulo ang mga bansa at ang mga liping pambansa ay patuloy na bumubulung-bulong ng walang-katuturang bagay? Ang mga hari sa lupa ay tumitindig at ang matataas na opisyal ay nagpipisan na tila iisa laban kay Jehova at laban sa kaniyang pinahiran.”​—Awit 2:1, 2.a

      5, 6. Ang mga liping pambansa ay “patuloy na bumubulung-bulong” ng anong “walang-katuturang bagay”?

      5 Anong “walang-katuturang bagay” ang ‘patuloy na ibinubulung-bulong’ ng makabagong-panahong mga liping pambansa? Sa halip na tanggapin ang Pinahiran ng Diyos​—ang Mesiyas, o Kristo​—ang mga bansa ay “patuloy na bumubulung-bulong,” o nagbubulay-bulay, sa pagpapanatili ng kanilang sariling awtoridad. Ang mga salitang ito ng ikalawang awit ay nagkaroon din ng katuparan noong unang siglo C.E. nang magtulungan ang mga awtoridad na Judio at Romano para patayin ang Haring Itinalaga ng Diyos, si Jesu-Kristo. Gayunman, nagsimula ang malaking katuparan nito noong 1914 nang iluklok si Jesus bilang makalangit na Hari. Mula noon, wala kahit isang pulitikal na organisasyon sa lupa ang kumilala sa Haring iniluklok ng Diyos.

      6 Ano ang ibig sabihin nang itanong ng salmista kung ‘bakit ang mga liping pambansa ay bumubulung-bulong ng walang-katuturang bagay’? Ang layunin nila ang walang katuturan; ito ay walang saysay at nakatalagang mabigo. Hindi nila kayang magdulot ng kapayapaan at pagkakaisa sa daigdig na ito. Gayunman, ang kanilang pagkilos ay umabot pa nga sa punto na salansangin nila ang pamamahala ng Diyos. Sa katunayan, sila ay nagkakaisang tumindig nang may pagkapoot at nagpisan-pisan laban sa Kataas-taasan at sa kaniyang Pinahiran. Kaylaking kamangmangan!

      Ang Matagumpay na Hari ni Jehova

      7. Sa panalangin, paano ikinapit ng sinaunang mga tagasunod ni Jesus ang Awit 2:1, 2?

      7 Ikinapit ng mga tagasunod ni Jesus ang mga salita ng Awit 2:1, 2 sa kaniya. Palibhasa’y pinag-usig dahil sa kanilang pananampalataya, nanalangin sila: “Soberanong Panginoon [na Jehova], ikaw ang Isa na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng lahat ng bagay na nasa mga ito, at sa pamamagitan ng banal na espiritu ay nagsabi sa pamamagitan ng bibig ng aming ninunong si David, na iyong lingkod, ‘Bakit nagulo ang mga bansa at ang mga bayan ay nagbulay-bulay ng walang-katuturang mga bagay? Ang mga hari sa lupa ay tumindig at ang mga tagapamahala ay nagpisan na tila iisa laban kay Jehova at laban sa kaniyang pinahiran.’ Kaya nga, kapuwa sina Herodes [Antipas] at Poncio Pilato kasama ang mga tao ng mga bansa at kasama ang mga tao ng Israel ay totoo ngang nagkatipon sa lunsod na ito laban sa iyong banal na lingkod na si Jesus, na iyong pinahiran.” (Gawa 4:24-27; Lucas 23:1-​12)b Oo, may sabuwatan noong unang siglo laban sa pinahirang lingkod ng Diyos na si Jesus. Gayunman, magkakaroon ng isa pang katuparan ang awit na ito pagkalipas ng maraming siglo.

      8. Paano kumakapit ang Awit 2:3 sa makabagong-panahong mga bansa?

      8 Nang magkaroon ang sinaunang Israel ng taong hari, gaya ni David, ang paganong mga bansa at mga tagapamahala ay nagpisan laban sa Diyos at sa kaniyang pinahiran na nakaluklok sa trono. Ngunit kumusta naman sa ating panahon? Ayaw sundin ng makabagong-panahong mga bansa ang mga kahilingan ni Jehova at ng Mesiyas. Sa gayon, inilalarawan sila na sinasabi: “Lagutin natin ang kanilang mga panggapos at itapon ang kanilang mga panali mula sa atin!” (Awit 2:3) Anumang pagbabawal na ipinataw ng Diyos at ng kaniyang Pinahiran ay sasalansangin ng mga tagapamahala at mga bansa. Sabihin pa, anumang mga pagsisikap na lagutin ang gayong mga panggapos at itapon ang gayong mga panali ay magiging walang saysay.

  • “Ang Batas ni Jehova” ay Hindi Mabibigo
    Ang Bantayan—2004 | Hulyo 15
    • a Noong una, si Haring David ang “pinahiran,” at “ang mga hari sa lupa” ay mga tagapamahalang Filisteo na nagpisan ng kanilang mga hukbo laban sa kaniya.

      b Ipinakikita rin ng iba pang teksto sa Kristiyanong Griegong Kasulatan na si Jesus ang Pinahiran ng Diyos na tinutukoy sa ikalawang awit. Maliwanag ito mula sa paghahambing ng Awit 2:7 sa Gawa 13:32, 33 at Hebreo 1:5; 5:5. Tingnan din ang Awit 2:9 at Apocalipsis 2:27.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share