Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pahalagahan ang Regalong Buhay
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 2. Paano natin maipapakita kay Jehova na pinapahalagahan natin ang regalong buhay?

      Nasa tiyan ka pa lang ng nanay mo, nagmamalasakit na sa iyo si Jehova. Sa isang panalangin na ipinasulat ni Jehova, sinabi ni David: “Nakita ako ng mga mata mo kahit noong binhi pa lang ako.” (Awit 139:16) Para kay Jehova, napakahalaga ng buhay mo. (Basahin ang Mateo 10:​29-31.) Kaya siguradong malulungkot siya kung tatapusin natin ang buhay ng iba o ng sa atin.a (Exodo 20:13) Malulungkot din siya kung isasapanganib natin ang buhay natin o ng iba dahil hindi tayo maingat. Kung iingatan natin ang buhay natin at igagalang ang buhay ng iba, ipinapakita natin na pinapahalagahan natin ang napakagandang regalong buhay.

  • Pahalagahan ang Regalong Buhay
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • a Nagmamalasakit si Jehova sa mga pusong nasasaktan. (Awit 34:18) Naiintindihan niya ang nararamdaman ng mga gustong magpakamatay, at gusto niya silang tulungan. Para malaman kung paano tinutulungan ni Jehova na malabanan ng isang tao ang kagustuhang magpakamatay, basahin ang artikulong “Gusto Ko Nang Mamatay​—Matutulungan Ba Ako ng Bibliya Kapag Naiisip Ko Ito?” na makikita sa seksiyong Tingnan Din ng araling ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share