Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Magmamana ng Lupa?
    Gumising!—1989 | Enero 22
    • Sino ang Magmamana ng Lupa?

      SINAGOT ni Jesus ang tanong na ito sa kaniyang Sermon sa Bundok: ‘Mamanahin ng maaamo ang lupa.’ Mga dantaon na mas maaga sinabi ng salmistang si David: ‘Ang maaamo ay magmamana ng lupain.’ Tungkol sa Diyos na Jehova mismo sinasabing: “Ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng tao.”​—Mateo 5:5; Awit 37:11; 115:16.

  • Sino ang Magmamana ng Lupa?
    Gumising!—1989 | Enero 22
    • Ibinibigay ng Diyos sa tao ang patnubay na kailangan niya: “Ang iyong salita ay ilawan sa aking paa, at tanglaw sa aking daan.” (Awit 119:105) Ito’y umaakay sa kaligayahan: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, na Siyang nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na Siyang pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong dapat lakaran. Oh kung sana’y talagang magbibigay-pansin ka sa aking mga utos! Kung magkagayo’y magiging gaya ng isang ilog ang iyong kapayapaan, at ang iyong katuwiran ay gaya ng mga alon ng dagat.”​—Isaias 48:17, 18.

      Subalit ang karamihan sa sangkatauhan ay walang kaamuan upang tanggapin ang patnubay buhat sa Diyos at sa gayo’y anihin ang mga pakinabang nito. Dapat nitong igiit ang kasarinlan nito, dapat nitong igiit ang pagtahak sa daan tungo sa kapahamakan. Ang maaamo lamang ang nakasusumpong sa “daan na patungo sa buhay.”​—Mateo 7:13, 14.

      Ang mga tao ngayon ay naging di-akma sa gawain. Una’y dinurumhan nila ang kanilang sarili sa moral na paraan, pagkatapos literal na dinurumhan nila ang lupa. Ang polusyong ito sa moral ang gumagawa sa kanila na di-angkop sa paningin ng Diyos upang magmana ng lupa. Ang sumusunod na artikulo ay nagbibigay ng dalawang halimbawa kung paano lubhang dinumhan ng imoralidad ng mga tao ang lupain anupa’t sila’y pinaalis dito. Ang dalawang halimbawa ay noon pang sinaunang kasaysayan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share