-
Magtiwala kay Jehova na Tutuparin ang Kaniyang LayuninAng Bantayan—1994 | Marso 15
-
-
15. Papaano ipinahayag ni David ang kaniyang pagtitiwala sa layunin ni Jehova?
15 Mga anim na siglo pagkalipas ni Job at mga isang libong taon bago naparito si Jesus sa lupa, ipinahayag ni David ang kaniyang pagtitiwala sa isang bagong sanlibutan. Kaniyang sinabi sa mga awit: “Yaong nagsisipaghintay kay Jehova ang magmamana ng lupa. At sandali na lamang, at ang balakyot ay mawawala na . . . Ngunit ang maaamo ay magmamana ng lupa, at sila’y lubusang masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan. Ang matuwid ang magsisipagmana ng lupa, at sila’y maninirahan dito magpakailanman.” Dahilan sa kaniyang matatag na pag-asa, ipinayo ni David: “Magtiwala ka kay Jehova . . . Magpakaligaya ka rin kay Jehova, at kaniyang ibibigay sa iyo ang mga nasa ng iyong puso.”—Awit 37:3, 4, 9-11, 29.
-
-
Magtiwala kay Jehova na Tutuparin ang Kaniyang LayuninAng Bantayan—1994 | Marso 15
-
-
22. Bakit dapat tayong magtiwala kay Jehova?
22 Sa bagong sanlibutan, ang tapat na sangkatauhan ay makasasaksi sa katuparan ng Roma 8:21: “Ang paglalang din mismo ay palalayain sa pagkaalipin sa kasiraan at magtatamo ng maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.” Masasaksihan nila ang katuparan ng panalanging ito na itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” (Mateo 6:10) Kaya lubusang ilagak ang iyong pagtitiwala kay Jehova dahil ang kaniyang walang-pagkabigong pangako ay: “Ang matuwid ang magsisipagmana ng lupa, at sila’y maninirahan dito magpakailanman.”—Awit 37:29.
-