-
Tulungan ang mga Nagsosolong MagulangAng Bantayan—2010 | Disyembre 1
-
-
Magiging mas maligaya ka. May natulungan ka na bang magbuhat ng isang napakabigat na bagay? Kung gayon, malamang na nasiyahan ka dahil alam mong nakatulong ka. Sa katulad na paraan, ang mga nagsosolong magulang ay may mga responsibilidad na kung minsan ay napakabigat para sa kanila. Kapag tinulungan mo sila, madarama mo ang sinasabi sa Awit 41:1: “Maligaya ang sinumang gumagawi nang may pakundangan [o tumutulong] sa maralita.”
-
-
Tulungan ang mga Nagsosolong MagulangAng Bantayan—2010 | Disyembre 1
-
-
Waring ang pinakamadaling gawin ay tanungin ang nagsosolong magulang, “Ano ang maitutulong ko?” Pero sa totoo lang, bihira silang magsabi kung ano talaga ang kailangan nila. Gaya ng nabanggit kanina, iminumungkahi ng Awit 41:1 na ‘gumawi nang may pakundangan.’ Ipinaliliwanag ng isang reperensiya na ang terminong Hebreo na ginamit dito ay maaaring mangahulugan ng “proseso ng pag-iisip nang mabuti . . . na ang resulta ay paggawi nang may karunungan.”
-