Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Magsaya sa Kasal ng Kordero!
    Ang Bantayan—2014 | Pebrero 15
    • 6. Bakit tinawag na “anak na babae ng hari” ang mga pinahiran? Bakit sila tinagubilinang ‘limutin ang kanilang bayan’?

      6 Ang nobya ay hindi lang basta tinawag na “anak na babae” kundi “anak na babae ng hari.” (Awit 45:13) Sino ang ‘haring’ ito? Ang mga pinahirang Kristiyano ay inampon bilang “mga anak” ni Jehova. (Roma 8:15-17) Dahil magiging makalangit na nobya sila, ang mga pinahiran ay tinagubilinan: “Limutin mo ang iyong bayan at ang bahay ng iyong ama [sa laman].” Ang kanilang pag-iisip ay dapat nilang panatilihing ‘nakatuon sa mga bagay na nasa itaas, hindi sa mga bagay na nasa ibabaw ng lupa.’​—Col. 3:1-4.

  • Magsaya sa Kasal ng Kordero!
    Ang Bantayan—2014 | Pebrero 15
    • ‘INIHATID SA HARI’ ANG NOBYA

      8. Bakit angkop lang na inilarawan ang nobya bilang “lubos na maluwalhati”?

      8 Basahin ang Awit 45:13, 14a. Ang nobya ay iniharap sa maharlikang kasalan bilang “lubos na maluwalhati.” Sa Apocalipsis 21:2, ang nobya ay inihahalintulad sa isang lunsod, ang Bagong Jerusalem, at “nagagayakan para sa kaniyang asawang lalaki.” Taglay ng makalangit na lunsod na ito ang “kaluwalhatian ng Diyos,” at nagniningning itong “tulad ng isang napakahalagang bato, gaya ng batong jaspe na kumikinang na sinlinaw ng kristal.” (Apoc. 21:10, 11) Ang karingalan ng Bagong Jerusalem ay inilalarawan sa aklat ng Apocalipsis. (Apoc. 21:18-21) Hindi nga kataka-takang inilarawan ng salmista ang nobya bilang “lubos na maluwalhati”! Angkop lang iyon dahil sa langit ang kasalan.

      9. Sino ang “hari” na pinagdalhan sa nobya, at ano ang suot ng nobya?

      9 Ang pinagdalhan sa nobya ay ang Nobyo​—ang Mesiyanikong Hari. Matagal na niyang inihahanda ang nobya, “na nililinis ito sa paghuhugas ng tubig sa pamamagitan ng salita.” Ang nobya ay “banal at walang dungis.” (Efe. 5:26, 27) Dapat ding angkop ang suot ng nobya para sa okasyon. At ganoon nga, dahil “ang kaniyang pananamit ay may mga palamuting ginto,” at ‘ihahatid siya sa hari nang may kasuutang hinabi.’ Para sa kasal ng Kordero, “ipinagkaloob sa [nobya] na magayakan ng maningning, malinis, mainam na lino, sapagkat ang mainam na lino ay kumakatawan sa matuwid na mga gawa ng mga banal.”​—Apoc. 19:8.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share