Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Maghintay kay Jehova
    Ang Bantayan—1986 | Oktubre 15
    • Basahin ang Awit 58 hanggang 64. Dahilan sa pagkabahala sa pang-aapi, hiniling ni David sa panalangin na parusahan ng Diyos ang mga balakyot. (Awit 58, 59) Nang nasa panganib na magapi, siya’y nanalangin na iligtas siya at kaniyang natitiyak na yuyurakan ng Diyos ang mga kaaway. (Awit 60) Si Jehova noon ay kanlungan na para kay David; kaya’t kaniyang mahihintay nang tahimik ang kaligtasan. (Awit 61, 62) Nang mapilitan siya na magtago sa ilang, marahil nang maghimagsik si Absalom, si David ay nakasumpong ng kagalakan ‘sa lilim ng mga pakpak ng Diyos.’ (Awit 63) Ang salmista ay nanalangin din na siya’y iligtas buhat sa “mga manggagawa ng kasamaan” at kaniyang natitiyak na ang matuwid ay makasusumpong ng kanlungan kay Jehova.​—Awit 64.

  • Maghintay kay Jehova
    Ang Bantayan—1986 | Oktubre 15
    • Aral para sa Atin: Si David ay kontento na “maghintay nang tahimik” sa Diyos upang ito ang kumilos alang-alang sa kaniya. (Awit 62:1-7) Yamang napasakop siya sa kalooban ni Jehova, siya’y nakadama ng kasiguruhan at tahimik na nagtitiwala sa Diyos. Kung tayo’y mayroong gayong pagtitiwala kay Jehova, “ang kapayapaan ng Diyos” ang mag-iingat sa ating mga puso at mga pag-iisip samantalang hinihintay natin ang pagliligtas ng Diyos buhat sa mga kaaway at sa mga kapighatian.​—Filipos 4:6, 7; Awit 33:20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share