-
Manatiling Malapít kay JehovaAng Bantayan—1991 | Disyembre 15
-
-
1. Ano ang kalooban ni Jehova tungkol sa panalangin, at anong pampatibay-loob ang ibinigay ni apostol Pablo tungkol sa pananalangin?
SI Jehova “ang Diyos na nagbibigay ng pag-asa” sa lahat ng kaniyang tapat na mga lingkod. Bilang ang “Nakikinig sa panalangin,” kaniyang dinirinig ang kanilang mga pagsusumamo sa paghingi ng tulong upang makamit ang may-kagalakang pag-asa na kaniyang iniaalok sa kanila. (Roma 15:13; Awit 65:2) At sa pamamagitan ng kaniyang Salita, ang Bibliya, kaniyang pinatitibay-loob ang lahat ng kaniyang mga lingkod na lumapit sa kaniya anumang oras na ibig nila. Siya’y laging naririyan, nagnanasang tanggapin ang kanilang kaloob-loobang mga hangarin. Sa katunayan, kaniyang pinatitibay-loob sila na “magmatiyaga ng pananalangin” at “manalangin nang walang-patid.”a (Roma 12:12; 1 Tesalonica 5:17) Kalooban ni Jehova na lahat ng Kristiyano ay laging manawagan sa kaniya sa panalangin, na ibinubuhos sa kaniya ang laman ng kanilang puso at ginagawa iyon sa pangalan ng kaniyang sinisintang Anak, si Jesu-Kristo.—Juan 14:6, 13, 14.
-
-
Manatiling Malapít kay JehovaAng Bantayan—1991 | Disyembre 15
-
-
3 Ang alagad na si Santiago ay sumulat: “Magsilapit kayo sa Diyos, at siya’y lalapit sa inyo.” (Santiago 4:8) Oo, ang Diyos ay hindi naman totoong napakatayog ni totoong napakalayo man upang makinig sa ating mga pagdalangin sa kaniya, sa kabila ng ating di-sakdal na kalagayan bilang mga tao. (Gawa 17:27) Isa pa, siya’y hindi nagwawalang-bahala at di-nababahala tungkol sa atin. Ang sabi ng salmista: “Ang mga mata ni Jehova ay nakatitig sa mga matuwid, at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing na humihingi ng tulong.”—Awit 34:15; 1 Pedro 3:12.
4. Papaano maipaghahalimbawa ang laging pagiging handa ni Jehova na makinig sa panalangin?
4 Si Jehova’y nag-aanyaya na manalangin sa kaniya. Ito ay maihahambing natin sa isang pagtitipon na kung saan may mga taong nag-uusap-usap. Ikaw ay naroroon, nakikinig sa ibang nag-uusap. Ang ginagampanan mo ay papel ng isang tagamasid. Subalit may isang bumaling sa iyo, sinambit ang iyong pangalan, at sa iyo idinirekta ang kaniyang mga salita. Sa ganito’y natatawag ang iyong pansin sa isang natatanging paraan. Katulad din niyan, ang Diyos ay laging handang makinig sa kaniyang mga lingkod, saanman sila naroroon. (2 Cronica 16:9; Kawikaan 15:3) Kaya dinirinig niya ang ating sinasabi, siya’y interesadong nagmamasid upang magsilbing proteksiyon sa atin, wika nga. Gayunman, pagka ating tinatawag ang pangalan ng Diyos sa pananalangin, siya’y lubhang natatawagan ng pansin, at ngayon maliwanag na nakatutok na iyon sa atin. Sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, nahihiwatigan din at nauunawaan ni Jehova ang di-binigkas na panalangin ng tao na nanggagaling sa kaibuturan ng kaniyang puso at isip. Sa ati’y tinitiyak ng Diyos na siya’y magiging malapít sa lahat ng mga taimtim na tumatawag sa kaniyang pangalan at nagsisikap na manatiling malapít sa kaniya.—Awit 145:18.
-