Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Panatilihin ang Timbang na Pangmalas sa Paggamit ng Inuming De-alkohol
    Ang Bantayan—2004 | Disyembre 1
    • 2. Anu-anong tanong ang tatalakayin natin tungkol sa paggamit ng inuming de-alkohol?

      2 Ang isang kasiya-siyang kaloob ay mabuti lamang kapag ginamit nang wasto. Halimbawa, “mabuti” ang pulot-pukyutan, ngunit “ang pagkain ng labis na pulot-pukyutan ay hindi mabuti.” (Kawikaan 24:13; 25:27) Bagaman katanggap-tanggap naman ang pag-inom ng “kaunting alak,” ang pag-abuso sa inuming de-alkohol ay isang malubhang problema. (1 Timoteo 5:23) “Ang alak ay manunuya,” ang babala ng Bibliya, “ang nakalalangong inumin ay magulo, at ang sinumang naliligaw dahil dito ay hindi marunong.” (Kawikaan 20:1) Gayunman, ano ang ibig sabihin ng naliligaw dahil sa inuming de-alkohol?a Gaano karami ang maituturing na labis? Ano ang timbang na pangmalas hinggil sa bagay na ito?

      “Naliligaw” Dahil sa Inuming De-alkohol​—Paano?

      3, 4. (a) Ano ang nagpapakitang hinahatulan ng Bibliya ang pag-inom hanggang sa punto na malasing? (b) Anu-ano ang ilang sintomas ng pagkalasing?

      3 Sa sinaunang Israel, ang isang anak na matakaw at lasenggo na di-nagsisisi ay babatuhin hanggang sa mamatay. (Deuteronomio 21:18-21) Pinayuhan ni apostol Pablo ang mga Kristiyano: “Tigilan ang pakikihalubilo sa sinumang tinatawag na kapatid na isang mapakiapid o taong sakim o mananamba sa idolo o manlalait o lasenggo o mangingikil, na huwag man lamang kumaing kasama ng gayong tao.” Maliwanag, ang pag-inom hanggang sa malasing ay hinahatulan sa Kasulatan.​—1 Corinto 5:11; 6:9, 10.

      4 Sa paglalarawan sa mga sintomas ng pagkalasing, sinasabi ng Bibliya: “Huwag kang tumingin sa alak kapag ito ay kulay pula, kapag ito ay kumikislap sa kopa, kapag ito ay humahagod nang suwabe. Sa huli ay kumakagat itong tulad ng serpiyente, at naglalabas ito ng lason tulad ng ulupong. Ang iyong mga mata ay makakakita ng mga bagay na kakatwa, at ang iyong puso ay magsasalita ng tiwaling mga bagay.” (Kawikaan 23:31-33) Ang labis-labis na pag-inom ay kumakagat na gaya ng isang makamandag na serpiyente, na nagiging sanhi ng sakit, kalituhan ng isip, maging ng kawalan ng malay. Maaaring makakita ng “mga bagay na kakatwa” ang isang lasenggo dahil baka dumanas siya ng halusinasyon at mangarap nang gising. Maaaring hindi niya mapigil ang kaniyang sarili sa pagbubulalas ng tiwaling mga kaisipan at pagnanasa na karaniwan nang nasusupil.

      5. Sa anong paraan nakapipinsala ang pagpapakalabis sa inuming de-alkohol?

      5 Paano naman kung ang isa ay gumagamit ng inuming de-alkohol ngunit nag-iingat siya na hindi uminom hanggang sa punto na siya ay mahalatang lasing? Ang ilang indibiduwal ay kakikitaan lamang ng kakaunting palatandaan ng pagkalasing kahit matapos uminom nang marami. Gayunman, ang pag-iisip na hindi ito nakapipinsala ay isang uri lamang ng panlilinlang sa sarili. (Jeremias 17:9) Unti-unti, maaaring dumepende na sa inuming de-alkohol ang isang indibiduwal at ‘mapaalipin sa maraming alak.’ (Tito 2:3) Hinggil sa pagiging alkoholiko, sinasabi ng awtor na si Caroline Knapp: “Ito ay mabagal, unti-unti, mapanlinlang, di-halatang proseso.” Tunay ngang nakamamatay na patibong ang pagpapakalabis sa inuming de-alkohol!

      6. Bakit dapat iwasan ng isa ang pagpapakalabis sa inuming de-alkohol at pagkain?

      6 Isaalang-alang din ang babala ni Jesus: “Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili na ang inyong mga puso ay hindi mapabigatan ng labis na pagkain at labis na pag-inom at mga kabalisahan sa buhay, at bigla na lang na ang araw na iyon ay kagyat na mapasainyo na gaya ng silo. Sapagkat darating ito sa lahat ng mga nananahanan sa ibabaw ng buong lupa.” (Lucas 21:34, 35) Hindi naman kailangang umabot sa punto na malasing muna sa pag-inom ang isang tao bago siya antukin at tamarin​—sa pisikal man o sa espirituwal na paraan. Paano kung abutan siya ng araw ni Jehova sa gayong kalagayan?

  • Panatilihin ang Timbang na Pangmalas sa Paggamit ng Inuming De-alkohol
    Ang Bantayan—2004 | Disyembre 1
    • 10. Paano makaaapekto sa ating isip ang inuming de-alkohol, at bakit mapanganib iyon?

      10 Ang di-katamtamang pag-inom ay nakapipinsala sa mga tao hindi lamang sa pisikal kundi maging sa espirituwal na paraan. “Alak at matamis na alak ang siyang nag-aalis ng mabuting motibo,” ang sabi ng Bibliya. (Oseas 4:11) Nakaaapekto sa isip ang inuming de-alkohol. “Kapag uminom ang isang tao,” ang paliwanag ng isang publikasyon ng National Institute on Drug Abuse sa Estados Unidos, “napupunta ang alkohol sa sistema ng panunaw tungo sa daluyan ng dugo at mabilis na nakararating sa utak. Sinisimulan nitong pabagalin ang mga bahagi ng utak na kumokontrol sa pag-iisip at damdamin. Nadarama ng tao na wala siyang gaanong pagpipigil sa sarili, anupat mas malaya siya.” Sa gayong kalagayan, mas malamang na ‘maliligaw’ tayo, magiging pangahas, at mahahantad sa maraming tukso.​—Kawikaan 20:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share