-
Nakapagpapatibay ang mga Pag-uusap Hinggil sa Espirituwal na mga BagayAng Bantayan—2003 | Setyembre 15
-
-
20. Ano ang magagawa natin kung mapaharap tayo sa isang mahiyain?
20 Paano kung may tila ayaw tumugon kapag nagbangon ka ng paksa hinggil sa espirituwal na mga bagay? Huwag kang sumuko. Marahil ay makasusumpong ka ng higit na naaangkop na panahon sa kalaunan. “Gaya ng mga mansanas na ginto sa mga inukit na pilak ang salitang binigkas sa tamang panahon,” ang sabi ni Solomon. (Kawikaan 25:11) Unawain yaong mga mahiyain. “Ang panukala sa puso ng tao ay gaya ng malalim na tubig, ngunit ang taong may kaunawaan ang siyang sasalok nito.”a (Kawikaan 20:5) Higit sa lahat, huwag hayaan kailanman na ang saloobin ng iba ay pumigil sa iyo sa pagsasalita tungkol sa mga bagay na nakaantig sa iyong puso.
-
-
Nakapagpapatibay ang mga Pag-uusap Hinggil sa Espirituwal na mga BagayAng Bantayan—2003 | Setyembre 15
-
-
a Ang ilang balon sa Israel ay napakalalim. Sa Gibeon, natuklasan ng mga arkeologo ang isang imbakan ng tubig na mga 25 metro ang lalim. Ito ay may hagdanan, na nakatutulong sa mga tao na bumaba upang sumalok ng tubig.
-