Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 2/1 p. 32
  • “Sanayin Mo ang Bata”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Sanayin Mo ang Bata”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 2/1 p. 32

“Sanayin Mo ang Bata”

ANG matagumpay na paghahardin ay higit pa sa basta paghahasik ng mga binhi sa lupa at saka magbalik pagkalipas ng ilang buwan para sa pag-aani. Maraming pagpapagal ang nasasangkot sa paghahanda sa lupa, paghahasik ng mga binhi, at pagdidilig at pag-aalaga sa mga tanim upang ang mga ito’y lumaki sa hustong gulang.

Ang prosesong ito’y mainam na naglalarawan sa pagiging totoo ng Kawikaan 22:6, na nagsasabi: “Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran; kahit tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan iyon.” Tunay, mahalagang salik sa matagumpay na pagpapalaki ng anak ang pagsasanay ng magulang.

Subalit, sa daigdig ngayon na maluwag sa moral, hindi nakasusunod ang maraming magulang sa payong ito. Kapag sinusunod nila ang karaniwang karunungan na dapat matutong harapin ng mga bata ang mga problema sa ganang sarili, ang kanilang mga anak ay kadalasang napababayaan. Ang gayong landasin ay nagpapangyari sa mga kabataan na madaling matukso ng nakapipinsalang impluwensiya ng mga taong walang prinsipyo at walang pagpapahalaga sa katuwiran.​—Kawikaan 13:20.

Mas mabuting ikintal ng mga magulang ang mga simulaing Kristiyano sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng makadiyos na pagsasanay sa murang gulang! Gaano kaaga? “Mula sa pagkasanggol,” ang sabi ni apostol Pablo. Ganiyan ang naging kalagayan ng kabataang si Timoteo. Ikinintal ng kaniyang ina, si Eunice, at ng kaniyang lolang si Loida “ang banal na mga kasulatan” kay Timoteo anupat ito’y ‘natuto’ at ‘nahikayat na manampalataya.’ Ang resulta? Ang pagsasanay na ito ay gumanap ng mahalagang bahagi upang gawin siyang ‘marunong ukol sa kaligtasan.’​—2 Timoteo 1:5; 3:14, 15.

Gayundin sa ngayon, ang mga magulang na ‘hindi nanghihimagod sa paggawa ng kung ano ang mainam’ ay mag-aani ng mayayamang gantimpala kung sila’y “hindi manghihimagod.” (Galacia 6:9) Ganito ang sabi ng matalinong si Haring Solomon: “Ang ama ng matuwid ay walang pagsalang magagalak.”​—Kawikaan 23:24.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share