Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Tularan Ninyo ang Diyos” sa Paggamit ng Kapangyarihan
    Maging Malapít kay Jehova
    • 10. (a) Ang Diyos ay nagkaloob ng anong awtoridad sa mga magulang? (b) Ano ang kahulugan ng salitang “disiplina,” at paano ito dapat ipatupad? (Tingnan din ang talababa.)

      10 Ang mga magulang ay nagtataglay rin ng awtoridad na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Ang Bibliya ay nagpapayo: “Mga ama, huwag ninyong inisin ang inyong mga anak, kundi palakihin sila ayon sa disiplina at patnubay ni Jehova.” (Efeso 6:4) Sa Bibliya, ang salitang “disiplina” ay maaaring mangahulugang “pagpapalaki, pagsasanay, pagtuturo.” Kailangan ng mga anak ang disiplina; sila’y umuunlad sa ilalim ng malilinaw na panuntunan, hangganan, at mga limitasyon. Ang gayong disiplina, o pagtuturo, ay iniuugnay ng Bibliya sa pagmamahal. (Kawikaan 13:24) Samakatuwid, ang “pamalong pandisiplina” ay hindi dapat na maging mapang-abuso—sa emosyon man o sa pisikal.a (Kawikaan 22:15; 29:15) Ang mahigpit o malupit na disiplina na walang pag-ibig ay pang-aabuso ng magulang sa kaniyang awtoridad at makasisiil sa espiritu ng isang anak. (Colosas 3:21) Sa kabilang dako naman, ang timbang na disiplina na angkop na ipinatutupad ay nagpapaunawa sa mga anak na ang kanilang mga magulang ay nagmamahal sa kanila at interesado sa pagpapaunlad sa uri ng kanilang pagkatao.

  • “Tularan Ninyo ang Diyos” sa Paggamit ng Kapangyarihan
    Maging Malapít kay Jehova
    • a Noong panahon ng Bibliya, ang salitang Hebreo para sa “pamalo” ay nangangahulugan ng isang baston o isang tungkod, gaya niyaong ginagamit ng pastol sa pag-akay sa kaniyang mga tupa. (Awit 23:4) Sa katulad na paraan, ang “pamalo” bilang awtoridad ng magulang ay nagpapahiwatig ng maibiging pag-akay, hindi ng mabagsik o malupit na pagpaparusa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share