Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paunlarin ang Matalik na Kaugnayan kay Jehova
    Ang Bantayan—2000 | Enero 15
    • Nagpatuloy ang pantas na hari: “Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa. Sa lahat ng iyong mga lakad ay isaalang-alang mo siya, at siya mismo ang magtutuwid ng iyong mga landas.”​—Kawikaan 3:5, 6.

  • Paunlarin ang Matalik na Kaugnayan kay Jehova
    Ang Bantayan—2000 | Enero 15
    • Paano natin maaaring ‘isaalang-alang si Jehova sa lahat ng ating mga lakad’? Ang kinasihang salmista ay nagsabi: “Bubulay-bulayin ko nga ang lahat ng iyong gawa, at ang iyong mga gawain ay pagtutuunan ko ng pansin.” (Awit 77:12) Yamang hindi nakikita ang Diyos, ang pagbubulay-bulay sa kaniyang dakilang mga gawa at sa kaniyang mga pakikitungo sa kaniyang bayan ay mahalaga upang mapaunlad natin ang matalik na kaugnayan sa kaniya.

      Isang mahalagang paraan din ang panalangin upang maisaalang-alang natin si Jehova. Si Haring David ay patuloy na tumatawag kay Jehova sa “buong araw.” (Awit 86:3) Madalas manalangin si David sa buong magdamag, gaya nang siya’y isang taong lumikas sa iláng. (Awit 63:6, 7) “Magpatuloy kayo sa pananalangin sa bawat pagkakataon sa espiritu,” ang payo ni apostol Pablo. (Efeso 6:18) Gaano kadalas tayong nananalangin? Nasisiyahan ba tayo sa pagkakaroon ng personal at taos-pusong pakikipag-usap sa Diyos? Kapag napapaharap sa mahihirap na kalagayan, nakikiusap ba tayo sa kaniya para humingi ng tulong? May pananalangin ba nating hinihingi ang kaniyang patnubay bago gumawa ng mahahalagang pagpapasiya? Ang ating taimtim na mga panalangin kay Jehova ay nagpapangyaring mapamahal tayo sa kaniya. At mayroon tayong katiyakan na pakikinggan niya ang ating panalangin at ‘itutuwid ang ating mga landas.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share