Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1991 | Agosto 1
    • Ang aklat ng Mga Kawikaan ay maraming talata na tumatayong mag-isa bilang maiikli ngunit malalamang mga pangungusap na payo, ngunit ang Kawikaan 27:23 ay bahagi ng isang grupo ng mga talata: “Nararapat na alamin mo nang tiyakan ang kalagayan ng iyong kawan. Isapuso mo ang kapakanan ng iyong mga bakahan; sapagkat ang kayamanan ay hindi magpakailanman, ni mamamalagi man ang korona sa lahat ng sali’t saling-lahi. Ang luntiang damo ay natuyo na, at ang sariwang damo ay lumilitaw na, at ang mga gugulayin sa mga bundok ay naani na. Ang mga batang lalaking tupa ay ukol sa iyong kasuotan, at ang mga lalaking-kambing ay siyang halaga ng bukid. At may sapat na gatas ng mga kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sambahayan, at pagkain ng iyong mga alilang babae.”​—Kawikaan 27:23-27.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1991 | Agosto 1
    • Ang “kayamanan,” o yaman na nakamit sa mabilisang pagnenegosyo, na nagbubunga ng katanyagan (“korona”), ay madaling mawawala, gaya ng mapatutunayan ng marami. Mayroon kung gayong higit na masasabi ukol sa isang simpleng pamumuhay, tulad ng sinusunod ng sinaunang mga pastol sa pangangalaga ng hayupan. Ang ganiyang paraan ng pamumuhay ay hindi simple sa diwa na pagiging walang iniintindi. Ang isang pastol ay kailangang maasikaso sa kaniyang kawan, na sinisigurong may proteksiyon ang kaniyang mga tupa. (Awit 23:4) Kung, sa pag-aasikaso sa kanila, kaniyang natuklasan ang isang may-sakit o nasaktan na tupa, maaaring kaniyang pahiran ito ng langis na nagbibigay-kaginhawahan. (Awit 23:5; Ezekiel 34:4; Zacarias 11:16) Sa karamihan ng kaso ang masipag na pastol na nagsasapuso ng kapakanan ng kaniyang mga bakahan ay makakakita sa bunga ng kaniyang mga pagpapagal​—ang unti-unting paglaki ng kaniyang kawan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share