Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1991 | Agosto 1
    • Ang aklat ng Mga Kawikaan ay maraming talata na tumatayong mag-isa bilang maiikli ngunit malalamang mga pangungusap na payo, ngunit ang Kawikaan 27:23 ay bahagi ng isang grupo ng mga talata: “Nararapat na alamin mo nang tiyakan ang kalagayan ng iyong kawan. Isapuso mo ang kapakanan ng iyong mga bakahan; sapagkat ang kayamanan ay hindi magpakailanman, ni mamamalagi man ang korona sa lahat ng sali’t saling-lahi. Ang luntiang damo ay natuyo na, at ang sariwang damo ay lumilitaw na, at ang mga gugulayin sa mga bundok ay naani na. Ang mga batang lalaking tupa ay ukol sa iyong kasuotan, at ang mga lalaking-kambing ay siyang halaga ng bukid. At may sapat na gatas ng mga kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sambahayan, at pagkain ng iyong mga alilang babae.”​—Kawikaan 27:23-27.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1991 | Agosto 1
    • Ang isang masipag at maingat na pastol ay may maaasahang mapagkukunan ng tulong​—si Jehova. Sa papaano nga? Bueno, ang Diyos ang naglalaan ng mga lagay ng panahon at mga siklo na sa normal na paraan ay nagpapatubo ng sapat na damo na makakain ng kawan. (Awit 145:16) Sa pagbabago ng lagay ng panahon, ang luntiang damo ay natutuyo sa mabababang lugar, bagaman maaaring ito’y saganang tumutubo sa mas matataas na lugar, na kung saan maaaring mailipat ng isang maasikasong pastol ang kaniyang mga hayop.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share