Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kung Papaano Magtatagumpay sa Hamon ng Pagiging Dukha
    Ang Bantayan—1990 | Nobyembre 15
    • Sa ngayon, karamihan ng mga dukha sa daigdig ay mga biktima ng kalagayang hindi nila kayang supilin​—marahil kakulangan ng edukasyon, umuurong na lokal na mga kabuhayan, o pulitikal na kaguluhan. Marami ang nagtatrabaho mula pa sa pagsikat ng araw hanggang sa kalaliman ng gabi at kumikita ng sapat lamang na ikabuhay. Ang mga pagkakataon upang kumita nang malaki sa pamamagitan ng pandaraya ay maaari kung gayon na magtinging kaakit-akit, na kailangang gawin. Aba, ang iba’y baka mangatuwiran na ipinagmamatuwid ng Bibliya ang manakanakang paggawa ng masama! Tutal, sinasabi nito: “Hindi hinahamak ng mga tao ang isang magnanakaw dahil lamang sa siya’y nagnanakaw upang mabusog ang kaniyang kaluluwa pagka siya’y nagugutom.” At isang taong pantas ang nanalangin: ‘Sana’y huwag akong magdalita at humantong sa pagnanakaw.’​—Kawikaan 6:30; 30:8, 9.

  • Kung Papaano Magtatagumpay sa Hamon ng Pagiging Dukha
    Ang Bantayan—1990 | Nobyembre 15
    • Ngunit kumusta naman ang panalangin ng taong pantas? Kaniyang hiniling na huwag sana siyang malagay sa karalitaan at “aktuwal na magnakaw at ipahamak ang pangalan ng [kaniyang] Diyos.” (Kawikaan 30:9) Oo, ang pagdaraya sa bahagi ng isang taong nag-aangking naglilingkod kay Jehova ay magdadala ng upasala sa pangalan ng Diyos at sa kongregasyon ng Kaniyang bayan. Si apostol Pablo ay sumulat: “Ikaw, na nangangaral ‘Huwag magnanakaw,’ ikaw ba’y nagnanakaw?” Kung ang ilang nag-aangking mga Kristiyano ay nagnanakaw, ito’y maaaring maging dahilan ng ‘pamumusong sa pangalan ng Diyos sa gitna ng mga bansa.’​—Roma 2:21, 24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share