Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Puwede Kang Maging Kaibigan ni Jehova
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 3. Ano ang gusto ni Jehova na gawin ng mga kaibigan niya?

      Mahal ni Jehova ang lahat ng tao, “pero ang matuwid ay matalik niyang kaibigan.” (Kawikaan 3:32) Gusto ni Jehova na gawin ng mga kaibigan niya ang mga bagay na gusto niya at iwasan ang mga bagay na ayaw niya. Iniisip ng ilan na hindi nila kayang sundin ang lahat ng gusto ni Jehova. Pero maunawain si Jehova. Gusto niya na maging kaibigan ang mga nagmamahal sa kaniya at gumagawa ng makakaya nila para mapasaya siya.​—Awit 147:11; Gawa 10:​34, 35.

  • Maging Tapat sa Lahat ng Bagay
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Maging Tapat sa Lahat ng Bagay

      Gusto ng lahat na magkaroon ng tapat na kaibigan. Iyan din ang gusto ni Jehova. Pero mahirap maging tapat sa mundong hindi tapat. Ano ang mga pakinabang ng pagiging tapat sa lahat ng bagay?

      1. Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit gusto nating maging tapat?

      Kapag tapat tayo sa iba, ipinapakita natin kay Jehova na mahal at nirerespeto natin siya. Pag-isipan ito: Alam ni Jehova ang lahat ng iniisip at ginagawa natin. (Hebreo 4:13) Nakikita niya kung nagiging tapat tayo, at masaya siyang makita iyon. Sinasabi ng Bibliya: “Nasusuklam si Jehova sa mga mapanlinlang, pero ang matuwid ay matalik niyang kaibigan.”​—Kawikaan 3:32.

      2. Paano tayo magiging tapat sa lahat ng bagay?

      Gusto ni Jehova na “magsalita [tayo] ng katotohanan sa isa’t isa.” (Zacarias 8:​16, 17) Ano ang ibig sabihin nito? Hindi tayo magsisinungaling o magbibigay ng maling impormasyon sa mga kapamilya natin, katrabaho, kapatid sa kongregasyon, o sa mga opisyal ng gobyerno. Hindi magnanakaw o mandaraya ang isang tapat na tao. (Basahin ang Kawikaan 24:28 at Efeso 4:28.) At magbabayad siya ng mga buwis. (Roma 13:​5-7) Ilan lang ito sa mga bagay na magpapakitang ‘gumagawi tayo nang tapat sa lahat ng bagay.’​—Hebreo 13:18.

      3. Ano ang mga pakinabang ng pagiging tapat?

      Kapag kilalá tayong tapat, pagtitiwalaan tayo ng iba. Makakatulong tayo na maging panatag ang mga kapatid sa kongregasyon, gaya ng sa isang pamilya. Magkakaroon tayo ng malinis na konsensiya. Kung tapat tayo, ‘magdudulot ito ng papuri sa turo ng ating Tagapagligtas, ang Diyos,’ at gugustuhin ng iba na kilalanin si Jehova.​—Tito 2:10.

      PAG-ARALAN

      Tingnan kung paano makakaapekto kay Jehova at sa iyo ang pagiging tapat, at kung paano ka magiging tapat sa lahat ng bagay.

      4. Napapasaya natin si Jehova kapag tapat tayo

      Basahin ang Awit 44:21 at Malakias 3:16. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Bakit maling isipin na may maitatago tayo kay Jehova?

      • Sa tingin mo, ano ang nararamdaman ni Jehova kapag nagsasabi tayo ng totoo, kahit mahirap itong gawin?

      Bata na nakikipag-usap sa tatay niyang nakaluhod. Isang baso ng juice na natapon sa gilid ng mesa.

      Kapag nagsasabi ng totoo ang mga bata, napapasaya nila ang mga magulang nila. Kapag nagsasabi rin tayo ng totoo, napapasaya natin si Jehova

      5. Maging tapat sa lahat ng pagkakataon

      Iniisip ng marami na hindi laging posible na maging tapat. Pero tingnan kung bakit dapat tayong maging tapat sa lahat ng pagkakataon. Panoorin ang VIDEO.

      VIDEO: Ano ang Makakatulong Para Maging Masaya?​—Malinis na Konsensiya (2:​32)

      Eksena mula sa video na ‘Ano ang Makakatulong Para Maging Masaya?​—Malinis na Konsensiya.’ Pagkatapos sabihin ni Ben ang pagkakamali niya, nakipagkamay sa kaniya ang boss niya.

      Basahin ang Hebreo 13:18. Pagkatapos, talakayin kung paano magiging tapat . . .

      • sa mga kapamilya.

      • sa trabaho o paaralan.

      • sa iba pang sitwasyon.

      6. Malaki ang nagagawa ng pagiging tapat

      Posible kang magkaproblema kapag naging tapat ka. Pero sa paglipas ng panahon, magpapasalamat ka na naging tapat ka. Basahin ang Awit 34:​12-16. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ano ang puwedeng maging epekto sa buhay mo ng pagiging tapat?

      A. Mag-asawang nag-uusap habang nagkakape. B. Isang mekaniko na pinapasalamatan ng boss niya sa isang talyer. C. Lalaking nasa kotse niya habang ipinapakita ang ID niya sa isang pulis.
      1. Titibay ang pagsasama ng mag-asawang tapat sa isa’t isa

      2. Makukuha ng tapat na empleado ang tiwala ng boss niya

      3. Magiging maganda ang reputasyon ng isang tapat na tao sa mga opisyal ng gobyerno

      MAY NAGSASABI: “Okey lang namang magsinungaling sa maliliit na bagay.”

      • Bakit ka naniniwala na ayaw ni Jehova ang pagsisinungaling, maliit man ito, o malaki?

      SUMARYO

      Gusto ni Jehova na maging tapat ang mga kaibigan niya sa lahat ng sasabihin at gagawin nila.

      Ano ang Natutuhan Mo?

      • Ano ang ilang paraan para maipakitang tapat tayo?

      • Bakit maling isipin na puwede nating itago kung ano ang totoo?

      • Bakit gusto mong maging tapat sa lahat ng pagkakataon?

      Subukan Ito

      TINGNAN DIN

      Paano tuturuan ng mga magulang ang anak nila na maging tapat?

      Magsabi ng Totoo (1:​40)

      Bakit magandang tumupad sa mga pangako?

      Tuparin ang mga Pangako Para Pagpalain Ka (9:​09)

      Bakit kailangan nating magbayad ng buwis kahit nagagamit ito sa maling paraan?

      “Dapat Ka Bang Magbayad ng Buwis?” (Ang Bantayan, Setyembre 1, 2011)

      Ano ang nakatulong sa isang dating di-tapat na tao na baguhin ang buhay niya?

      “Natutuhan Ko na Maawain at Mapagpatawad si Jehova” (Ang Bantayan, Mayo 1, 2015)

  • Piliing Mabuti ang mga Kaibigan Mo
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 2. Ano ang nararamdaman ni Jehova sa mga pinipili nating kaibigan?

      Pinipiling mabuti ni Jehova ang mga kaibigan niya. “Ang matuwid ay matalik niyang kaibigan.” (Kawikaan 3:32) Ano kaya ang mararamdaman ni Jehova kung pipili tayo ng mga kaibigan na hindi nagmamahal sa kaniya? Siguradong malulungkot siya! (Basahin ang Santiago 4:4.) Pero kung iiwasan natin ang masasamang kasama at lalapit tayo kay Jehova pati na sa mga nagmamahal sa kaniya, matutuwa siya sa atin at kakaibiganin niya tayo.​—Awit 15:​1-4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share