Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ingatan Mo ang Aking mga Utos at Patuloy Kang Mabuhay”
    Ang Bantayan—2000 | Nobyembre 15
    • Nagsimula ang hari sa makaamang payo: “Anak ko, tuparin mo ang aking mga pananalita, at pakaingatan mo nawa sa iyo ang aking mga utos. Ingatan mo ang aking mga utos at patuloy kang mabuhay, at ang aking kautusan tulad ng balintataw ng iyong mga mata.”​—Kawikaan 7:1, 2.

  • “Ingatan Mo ang Aking mga Utos at Patuloy Kang Mabuhay”
    Ang Bantayan—2000 | Nobyembre 15
    • Maaaring kalakip din sa pagtuturo ng mga magulang ang iba pang mga tuntunin​—mga alituntunin sa pamilya. Ang mga ito ay para sa ikabubuti ng mga miyembro ng pamilya. Totoo, maaaring magkaiba-iba ang mga alituntunin sa iba’t ibang pamilya, depende sa mga pangangailangan. Subalit, ang mga magulang ang nagpapasiya kung ano ang pinakamabuti para sa kanila mismong pamilya. At ang mga alituntunin na kanilang ginagawa ay karaniwang kapahayagan ng kanilang taimtim na pag-ibig at pagmamalasakit. Ang ipinapayo sa mga kabataan ay na sundin nila ang mga alituntuning ito kalakip na ang mga turo sa Kasulatan na tinanggap mula sa kanilang mga magulang. Oo, kailangang ituring ang gayong mga utos “gaya ng balintataw ng iyong mga mata”​—anupat gayon na lamang ito pakaiingat-ingatan. Iyan ang paraan upang maiwasan ang nakamamatay na bunga ng pagwawalang-bahala sa mga pamantayan ni Jehova at sa gayo’y ‘patuloy na mabuhay.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share