Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ingatan Mo ang Aking mga Utos at Patuloy Kang Mabuhay”
    Ang Bantayan—2000 | Nobyembre 15
    • “Kaagad niya itong sinundan,” ang ulat ni Solomon, “tulad ng toro na pumaparoon sa patayan, at para bang kinabitan ng pangaw na pandisiplina sa taong mangmang, hanggang sa biyakin ng palaso ang kaniyang atay, gaya ng ibong nagmamadali sa pagpasok sa bitag, at hindi niya nalalamang nasasangkot dito ang kaniya mismong kaluluwa.”​—Kawikaan 7:22, 23.

      Ang paanyaya ay totoong mahirap tanggihan para sa kabataang lalaki. Dahil sa kaniyang isinaisantabi ang katinuan, sumunod siya sa babae na “tulad ng toro na pumaparoon sa patayan.” Kung paanong hindi makatakas sa kaniyang parusa ang isang taong nasa pangaw, gayundin ang kabataang lalaki na nahulog sa kasalanan. Hindi niya nakikita ang panganib ng lahat ng ito hanggang sa “biyakin ng palaso ang kaniyang atay,” iyon ay, hanggang sa magkasugat siya na ikamamatay niya. Maaaring sa pisikal na paraan ang pagkamatay sapagkat kaniyang inilantad ang kaniyang sarili mismo sa nakamamatay na mga sakit na naililipat sa pagtatalik.b Ang sugat ay maaari ring maging sanhi ng kaniyang pagkamatay sa espirituwal; “nasasangkot dito ang kaniya mismong kaluluwa.” Ang buong pagkatao niya at ang kaniyang buhay ay totoong apektado, at napakalaki ng pagkakasala niya sa Diyos. Sa gayo’y nagmadali siya sa paghawak sa kamatayan gaya ng isang ibon sa bitag!

  • “Ingatan Mo ang Aking mga Utos at Patuloy Kang Mabuhay”
    Ang Bantayan—2000 | Nobyembre 15
    • b Ang ilang sakit na naililipat sa pagtatalik ay pumipinsala ng atay. Halimbawa, inaatake ng mga baktirya ang atay sa malalang mga kaso ng sipilis. At ang organismo na dahilan ng gonorea ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng atay.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share