-
Makatatagal Ba sa Apoy ang Iyong Gawa?Ang Bantayan—1998 | Nobyembre 1
-
-
4. (a) Ano ang naging papel ni Pablo sa gawaing pagtatayo ng mga Kristiyano? (b) Bakit masasabi na alam kapuwa ni Jesus at ng kaniyang mga tagapakinig ang kahalagahan ng mahuhusay na pundasyon?
4 Upang maging matatag at matibay ang isang gusali, kailangan na ito’y may mahusay na pundasyon. Kaya naman, sumulat si Pablo: “Ayon sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos na ibinigay sa akin, gaya ng isang marunong na direktor ng mga gawain ay naglagay ako ng pundasyon.” (1 Corinto 3:10) Sa paggamit ng kahawig na ilustrasyon, sinabi ni Jesu-Kristo ang tungkol sa isang bahay na nakaligtas sa isang bagyo dahil pumili ang nagtayo nito ng isang matibay na pundasyon. (Lucas 6:47-49) Alam na alam ni Jesus ang tungkol sa kahalagahan ng mga pundasyon. Naroroon siya nang itatag ni Jehova ang lupa.a (Kawikaan 8:29-31) Nauunawaan din ng mga tagapakinig ni Jesus ang kahalagahan ng mahuhusay na pundasyon. Tanging ang mga bahay na may matitibay na pundasyon ang makatatagal sa mga biglaang pagbaha at paglindol na nagaganap kung minsan sa Palestina. Subalit ano ba ang pundasyon na nasa isip ni Pablo?
-
-
Makatatagal Ba sa Apoy ang Iyong Gawa?Ang Bantayan—1998 | Nobyembre 1
-
-
a Ang ‘pundasyon ng lupa’ ay maaaring tumutukoy sa mga puwersa ng kalikasan na pumipigil dito—at ang lahat ng mga bagay sa langit—na matatag na nasa lugar nito. Karagdagan pa, ang lupa mismo ay ginawa sa paraan na ito ay hindi kailanman “mayayanig,” o mawawasak.—Awit 104:5.
-