Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
    • Sa maibiging paraan ng pananalita ng isang ama, ang marunong na Haring Solomon ng sinaunang Israel ay nagsabi: “Anak ko, kung tatanggapin mo ang aking mga pananalita at pakaiingatan mo ang aking mga utos sa iyo, upang magbigay-pansin sa karunungan ang iyong tainga, upang ikiling mo ang iyong puso sa kaunawaan; bukod diyan, kung tatawag ka ukol sa pagkaunawa at ilalakas mo ang iyong tinig ukol sa kaunawaan, kung patuloy mong hahanapin itong gaya ng pilak, at patuloy mong sasaliksikin itong gaya ng nakatagong kayamanan, kung magkagayon ay mauunawaan mo ang pagkatakot kay Jehova, at masusumpungan mo ang mismong kaalaman sa Diyos.”​—Kawikaan 2:1-5.

      Nakikita mo ba kung saan naroroon ang pananagutan sa pagkakamit ng karunungan? Sa mga talatang ito, ang mga pananalitang may diwa na “kung iyong” ay lumilitaw nang tatlong ulit. Maliwanag, nakadepende sa bawat isa sa atin ang pagsasaliksik sa karunungan at sa mga katuwang nito​—ang kaunawaan at pagkaunawa. Subalit una muna, dapat nating ‘tanggapin’ at ‘pakaingatan’ sa ating kaisipan ang mga salita ng karunungan na nakaulat sa Kasulatan. Upang magawa iyon, kailangan nating pag-aralan ang Bibliya.

  • “Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
    • Sa pambungad na mga talata ng ikalawang kabanata ng Kawikaan, ang inulit na pariralang may diwa na “kung iyong” ay sinundan ng mga pananalitang tulad ng “tatanggapin,” “pakaiingatan,” “tatawagin,” “patuloy na hahanapin,” “patuloy na sasaliksikin.” Bakit ginamit ng manunulat ang mga pananalitang ito na patindi nang patindi? Ang sabi ng isang reperensiya: “Idiniriin [dito] ng taong pantas na kailangan ang pagiging puspusan sa paghahanap ng karunungan.” Oo, dapat na puspusan nating hanapin ang karunungan at ang kaugnay nitong mga katangian​—ang kaunawaan at pagkaunawa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share