-
“Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
-
-
Sa maibiging paraan ng pananalita ng isang ama, ang marunong na Haring Solomon ng sinaunang Israel ay nagsabi: “Anak ko, kung tatanggapin mo ang aking mga pananalita at pakaiingatan mo ang aking mga utos sa iyo, upang magbigay-pansin sa karunungan ang iyong tainga, upang ikiling mo ang iyong puso sa kaunawaan; bukod diyan, kung tatawag ka ukol sa pagkaunawa at ilalakas mo ang iyong tinig ukol sa kaunawaan, kung patuloy mong hahanapin itong gaya ng pilak, at patuloy mong sasaliksikin itong gaya ng nakatagong kayamanan, kung magkagayon ay mauunawaan mo ang pagkatakot kay Jehova, at masusumpungan mo ang mismong kaalaman sa Diyos.”—Kawikaan 2:1-5.
-
-
“Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
-
-
Ang karunungan ay ang kakayahang gamitin sa tama ang bigay-Diyos na kaalaman. At tunay na kahanga-hanga ang Bibliya sa pagbibigay ng karunungan! Oo, naglalaman ito ng mga salita ng karunungan, tulad niyaong mga nakaulat sa mga aklat ng Kawikaan at Eclesiastes, at kailangan nating magbigay-pansin sa mga salitang ito. Masusumpungan din natin sa mga pahina ng Bibliya ang maraming halimbawa na nagpapakita sa mga kapakinabangan ng pagkakapit ng makadiyos na mga simulain at sa mga patibong kapag ipinagwalang-bahala ang mga ito. (Roma 15:4; 1 Corinto 10:11) Halimbawa, isaalang-alang ang ulat ng sakim na si Gehazi, ang tagapaglingkod ni Eliseo. (2 Hari 5:20-27) Hindi ba’t itinuturo nito sa atin ang karunungan ng pag-iwas sa kasakiman? At kumusta naman ang kalunus-lunos na resulta ng waring di-mapanganib na mga pagdalaw ng anak na babae ni Jacob na si Dina sa “mga anak na babae ng lupain” ng Canaan? (Genesis 34:1-31) Hindi ba’t nauunawaan natin agad ang di-katalinuhan ng pakikisalamuha sa masamang kasama?—Kawikaan 13:20; 1 Corinto 15:33.
Ang pagbibigay-pansin sa karunungan ay nangangahulugan ng pagtatamo ng kaunawaan at pagkaunawa. Ayon sa Webster’s Revised Unabridged Dictionary, ang kaunawaan ay “ang kapangyarihan o pakultad ng isip na kilalanin ang kaibahan ng isang bagay sa isa pa.” Ang makadiyos na kaunawaan ay ang kakayahang kilalanin ang kaibahan ng tama sa mali at pagkatapos ay piliin ang tamang landas. Malibang ‘ikiling natin ang ating puso’ sa kaunawaan o may-kasabikan nating tamuhin ito, paano tayo makapananatili sa “daan na umaakay patungo sa buhay”? (Mateo 7:14; ihambing ang Deuteronomio 30:19, 20.) Ang pag-aaral at pagkakapit ng Salita ng Diyos ay nagdudulot ng kaunawaan.
-