Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
    • Sa maibiging paraan ng pananalita ng isang ama, ang marunong na Haring Solomon ng sinaunang Israel ay nagsabi: “Anak ko, kung tatanggapin mo ang aking mga pananalita at pakaiingatan mo ang aking mga utos sa iyo, upang magbigay-pansin sa karunungan ang iyong tainga, upang ikiling mo ang iyong puso sa kaunawaan; bukod diyan, kung tatawag ka ukol sa pagkaunawa at ilalakas mo ang iyong tinig ukol sa kaunawaan, kung patuloy mong hahanapin itong gaya ng pilak, at patuloy mong sasaliksikin itong gaya ng nakatagong kayamanan, kung magkagayon ay mauunawaan mo ang pagkatakot kay Jehova, at masusumpungan mo ang mismong kaalaman sa Diyos.”​—Kawikaan 2:1-5.

  • “Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
    • Ang pagbibigay-pansin sa karunungan ay nangangahulugan ng pagtatamo ng kaunawaan at pagkaunawa. Ayon sa Webster’s Revised Unabridged Dictionary, ang kaunawaan ay “ang kapangyarihan o pakultad ng isip na kilalanin ang kaibahan ng isang bagay sa isa pa.” Ang makadiyos na kaunawaan ay ang kakayahang kilalanin ang kaibahan ng tama sa mali at pagkatapos ay piliin ang tamang landas. Malibang ‘ikiling natin ang ating puso’ sa kaunawaan o may-kasabikan nating tamuhin ito, paano tayo makapananatili sa “daan na umaakay patungo sa buhay”? (Mateo 7:14; ihambing ang Deuteronomio 30:19, 20.) Ang pag-aaral at pagkakapit ng Salita ng Diyos ay nagdudulot ng kaunawaan.

      Paano tayo “tatawag . . . ukol sa pagkaunawa”​—ang kakayahang makita kung paano ang mga salik ng isang paksa ay nauugnay sa isa’t isa at sa kabuuan? Siyempre pa, ang edad at karanasan ay mga salik na tutulong sa atin na malinang ang higit na pagkaunawa​—ngunit hindi laging gayon. (Job 12:12; 32:6-12) “Gumagawi akong may higit na unawa kaysa sa matatandang lalaki,” ang sabi ng salmista, “sapagkat tinupad ko ang iyong mga pag-uutos.” Umawit din siya: “Ang mismong pagbubunyag ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag, na nagpapaunawa sa mga walang-karanasan.” (Awit 119:100, 130) Si Jehova “ang Sinauna sa mga Araw,” at mayroon siyang pagkaunawa na walang-takda ang kahigitan kaysa sa taglay ng lahat ng sangkatauhan. (Daniel 7:13) Makapagbibigay ang Diyos ng pagkaunawa sa isa na walang karanasan, na magpapangyari sa isang iyon na makahigit sa gayong katangian maging sa mga mas may edad sa kaniya. Kung gayon, dapat tayong maging masigasig sa pag-aaral at pagkakapit ng Salita ng Diyos, ang Bibliya.

      Sa pambungad na mga talata ng ikalawang kabanata ng Kawikaan, ang inulit na pariralang may diwa na “kung iyong” ay sinundan ng mga pananalitang tulad ng “tatanggapin,” “pakaiingatan,” “tatawagin,” “patuloy na hahanapin,” “patuloy na sasaliksikin.” Bakit ginamit ng manunulat ang mga pananalitang ito na patindi nang patindi? Ang sabi ng isang reperensiya: “Idiniriin [dito] ng taong pantas na kailangan ang pagiging puspusan sa paghahanap ng karunungan.” Oo, dapat na puspusan nating hanapin ang karunungan at ang kaugnay nitong mga katangian​—ang kaunawaan at pagkaunawa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share