-
“Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
-
-
Sa maibiging paraan ng pananalita ng isang ama, ang marunong na Haring Solomon ng sinaunang Israel ay nagsabi: “Anak ko, kung tatanggapin mo ang aking mga pananalita at pakaiingatan mo ang aking mga utos sa iyo, upang magbigay-pansin sa karunungan ang iyong tainga, upang ikiling mo ang iyong puso sa kaunawaan; bukod diyan, kung tatawag ka ukol sa pagkaunawa at ilalakas mo ang iyong tinig ukol sa kaunawaan, kung patuloy mong hahanapin itong gaya ng pilak, at patuloy mong sasaliksikin itong gaya ng nakatagong kayamanan, kung magkagayon ay mauunawaan mo ang pagkatakot kay Jehova, at masusumpungan mo ang mismong kaalaman sa Diyos.”—Kawikaan 2:1-5.
-
-
“Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
-
-
Sa pambungad na mga talata ng ikalawang kabanata ng Kawikaan, ang inulit na pariralang may diwa na “kung iyong” ay sinundan ng mga pananalitang tulad ng “tatanggapin,” “pakaiingatan,” “tatawagin,” “patuloy na hahanapin,” “patuloy na sasaliksikin.” Bakit ginamit ng manunulat ang mga pananalitang ito na patindi nang patindi? Ang sabi ng isang reperensiya: “Idiniriin [dito] ng taong pantas na kailangan ang pagiging puspusan sa paghahanap ng karunungan.” Oo, dapat na puspusan nating hanapin ang karunungan at ang kaugnay nitong mga katangian—ang kaunawaan at pagkaunawa.
Magsisikap Ka Ba?
Isang mahalagang salik sa pagtatamo ng karunungan ay ang masigasig na pag-aaral ng Bibliya. Gayunman, ang pag-aaral na ito ay kailangang higit pa kaysa sa basta pagbabasa lamang upang kumuha ng impormasyon. Ang makabuluhang pagbubulay-bulay sa ating binabasa ay isang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng Kasulatan. Kasali sa pagkakamit ng karunungan at kaunawaan ang pagninilay-nilay kung paano natin magagamit ang ating mga natututuhan sa paglutas ng mga suliranin at sa pagpapasiya. Kalakip sa pagtatamo ng pagkaunawa ang pag-iisip kung paanong ang bagong materyal ay nauugnay sa dati na nating alam. Sino ang magkakaila na ang gayong palaisip na paraan ng pag-aaral ng Bibliya ay nangangailangan ng panahon at masugid na pagsisikap? Ang paglalaan ng panahon at lakas ay katulad ng sa paglalaan ng mga ito kapag ‘naghahanap ng pilak at nagsasaliksik ng natatagong kayamanan.’ Iyo bang isasagawa ang nararapat na pagsisikap? Iyo bang ‘bibilhin ang naaangkop na panahon’ upang gawin ang gayon?—Efeso 5:15, 16.
-