Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ipagpatuloy Mo ang Pag-aaral ng Bibliya
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Aralin 12. Isang nanay na may dalawang anak; nagpapa-Bible study siya sa isang Saksi ni Jehova.

      ARALIN 12

      Ipagpatuloy Mo ang Pag-aaral ng Bibliya

      Malaki ang maitutulong sa iyo ng pag-aaral ng Bibliya. Pero hindi ito laging madaling gawin. Baka iniisip mo, ‘Kaya ko bang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Bibliya?’ Bakit sulit ang pagsisikap mo na ipagpatuloy ito? Ano ang makakatulong sa iyo na makapagpatuloy sa pag-aaral kahit may mga problema?

      1. Bakit napakahalaga na pag-aralan ang Bibliya?

      “Ang salita ng Diyos ay buháy at malakas.” (Hebreo 4:12) Napakahalaga ng Bibliya kasi sinasabi nito ang iniisip at nararamdaman ng Diyos para sa iyo. Hindi lang kaalaman ang ibinibigay nito sa iyo, binibigyan ka rin nito ng karunungan at pag-asa. At ang pinakamahalaga, tinutulungan ka ng Bibliya na maging kaibigan ni Jehova. Kapag pinag-aaralan mo ang Bibliya, hinahayaan mo itong magkaroon ng magandang epekto sa buhay mo.

      2. Bakit kailangan mong makita ang kahalagahan ng mga katotohanan sa Bibliya?

      Ang mga katotohanan sa Bibliya ay parang kayamanan. Kaya sinasabi ng Bibliya: “Bilhin mo ang katotohanan at huwag mong ibenta iyon.” (Kawikaan 23:23) Kapag alam natin ang kahalagahan ng mga katotohanan sa Bibliya, magsisikap tayo na patuloy na pag-aralan ito kahit may mga problema.​—Basahin ang Kawikaan 2:​4, 5.

      3. Paano ka matutulungan ni Jehova na patuloy na mag-aral?

      Bilang iyong Maylalang at Kaibigan, gusto kang tulungan ni Jehova na matuto tungkol sa kaniya. Bibigyan ka niya ng “pagnanais at lakas para kumilos.” (Basahin ang Filipos 2:13.) Kaya kung kailangan mo ng dagdag na dahilan para mag-aral o para maisabuhay ang mga natututuhan mo, matutulungan ka niya. At kung may mga problema ka o kumokontra sa pag-aaral mo, bibigyan ka niya ng lakas para maharap iyon. Laging humingi ng tulong kay Jehova sa panalangin para maipagpatuloy mo ang pag-aaral mo ng Bibliya.​—1 Tesalonica 5:17.

      PAG-ARALAN

      Alamin kung paano patuloy na makakapag-aral ng Bibliya kahit busy ka o may kumokontra sa pag-aaral mo. Tingnan kung paano ka matutulungan ni Jehova na magpatuloy sa pag-aaral.

      4. Gawing priyoridad ang pag-aaral ng Bibliya

      Minsan, sa sobrang busy natin, wala na tayong panahon sa pag-aaral ng Bibliya. Ano ang makakatulong sa iyo? Basahin ang Filipos 1:10. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Para sa iyo, ano “ang mas mahahalagang bagay” sa buhay?

      • Paano mo uunahin sa iskedyul mo ang pag-aaral ng Bibliya?

      A. Mga larawan: Larawan ng isang timba na pinupuno ng mga bato at buhangin. 1. Buhangin at mga bato. 2. Timba na halos puno na ng buhangin. 3. Malalaking bato na nasa loob ng timba at ang iba ay nasa labas ng timba. B. Mga larawan: 1. Buhangin at mga bato. 2. Timba na halos puno na ng mga bato. 3. Buhangin na nagkasya sa timba. Kaunting buhangin na hindi nagkasya sa timba.
      1. Kapag inuna mong ilagay ang buhangin sa isang timba, hindi na magkakasya ang mga bato

      2. Pero kapag inuna mong ilagay ang mga bato bago ang buhangin, mas marami kang mailalagay. Kapag inuna mo rin “ang mas mahahalagang bagay” sa buhay mo, mas marami kang matatapos at magkakaroon ka pa ng panahon para sa ibang bagay

      Kailangan natin ang Diyos. At kapag nag-aaral ka ng Bibliya, nasasapatan ang pangangailangan mo na kilalanin at sambahin siya. Basahin ang Mateo 5:3. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ano ang pakinabang kapag ginagawa nating priyoridad ang pag-aaral ng Bibliya?

      5. Magpatuloy kahit may tumututol

      Baka may mga tumututol sa pag-aaral mo ng Bibliya. Tingnan ang karanasan ni Francesco. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: Pinagpala ang Pagsisikap Niya (5:​22)

      Eksena mula sa video na ‘Pinagpala ang Pagsisikap Niya.’ Iniwan ni Francesco ang malalapít na kaibigan niya.
      • Ano ang naging reaksiyon ng mga kaibigan at kapamilya ni Francesco nang mag-aral siya ng Bibliya?

      • Ano ang naging resulta nang hindi siya huminto sa pag-aaral?

      Basahin ang 2 Timoteo 2:​24, 25. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano ang naging reaksiyon ng mga kapamilya at kaibigan mo nang malaman nila na nag-aaral ka ng Bibliya?

      • Ayon sa teksto, ano ang dapat na maging reaksiyon mo kapag may hindi natutuwa sa pag-aaral mo ng Bibliya? Bakit?

      6. Magtiwala na tutulungan ka ni Jehova

      Habang napapalapít tayo kay Jehova, mas gugustuhin nating mapasaya siya. Pero baka nahihirapan kang gumawa ng mga pagbabago para masunod si Jehova. Kung iyan ang nararamdaman mo, huwag kang sumuko. Tutulungan ka ni Jehova. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: Tutulungan Tayo ni Jehova na Gumawa ng mga Pagbabago (3:​56)

      • Anong mga pagbabago ang ginawa ni Jim para mapasaya niya si Jehova?

      • Ano ang nagustuhan mo sa halimbawa niya?

      Basahin ang Hebreo 11:6. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano ang gagawin ni Jehova para sa “mga humahanap sa kaniya nang buong puso”​—mga taong ginagawa ang lahat para makilala at mapasaya siya?

      • Ano ang nararamdaman ni Jehova kapag nakikita niyang nagsisikap ka na mag-aral ng Bibliya?

      KUNG MAY MAGTANONG: “Bakit ka nag-aaral ng Bibliya?”

      • Ano ang isasagot mo?

      SUMARYO

      Hindi laging madaling mag-aral ng Bibliya. Pero kung patuloy kang mag-aaral, matutulungan ka nito na maging masaya magpakailanman. Magtiwala ka kay Jehova at gagantimpalaan ka niya.

      Ano ang Natutuhan Mo?

      • Bakit mahalaga sa iyo ang mga katotohanan sa Bibliya?

      • Paano mo matitiyak “ang mas mahahalagang bagay”?

      • Bakit kailangan mo ang tulong ni Jehova para maipagpatuloy ang pag-aaral ng Bibliya?

      Subukan Ito

      TINGNAN DIN

      Basahin ang apat na paraan kung paano matalinong ginagamit ng marami ang panahon nila.

      “Matalinong Paggamit ng Panahon​—Paano?” (Gumising!, Pebrero 2014)

      Isang babae ang may asawa na hindi naiintindihan ang mga pagsisikap niya na pasayahin ang Diyos. Tingnan kung paano siya tinulungan ni Jehova.

      Pinapalakas Tayo ni Jehova Para Mabuhat Natin ang Ating Pasan (5:05)

      Tingnan kung paano natulungan ang isang lalaki dahil sa mga pagsisikap ng asawa niya.

      Sinubok Ko ang Katotohanan (6:30)

      May nagsasabi na pinaghihiwalay ng mga Saksi ni Jehova ang magkakapamilya. Totoo ba iyan?

      “Pinapatibay Ba ng mga Saksi ni Jehova ang Buklod ng Pamilya o Sinisira Ito?” (Artikulo sa jw.org/tl)

  • Kung Paano Makakagawa ng Tamang Desisyon
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Aralin 35. Isang asawang lalaki na tumitingin sa internet ng sasakyang bibilhin nila habang nakatingin ang asawa at mga anak niya.

      ARALIN 35

      Kung Paano Makakagawa ng Tamang Desisyon

      Araw-araw, may ginagawa tayong mga desisyon. Marami sa mga ito ay may malaking epekto sa atin at sa kaugnayan natin kay Jehova. Halimbawa, nagdedesisyon tayo kung saan tayo titira, kung paano tayo kikita ng pera, o kung mag-aasawa tayo o hindi. Kung tama ang desisyon natin, magiging masaya tayo pati na si Jehova.

      1. Paano ka matutulungan ng Bibliya na makagawa ng tamang desisyon?

      Bago magdesisyon, humingi ng tulong kay Jehova sa panalangin at basahin ang Bibliya para makita ang pananaw ni Jehova sa mga bagay-bagay. (Basahin ang Kawikaan 2:​3-6.) Sa ilang sitwasyon, may malinaw na utos si Jehova. Kaya ang pagsunod sa utos na iyon ang pinakamagandang magagawa mo.

      Pero paano kung walang malinaw na utos sa Bibliya para sa sitwasyon mo? Papatnubayan ka pa rin ni Jehova “sa daan na dapat mong lakaran.” (Isaias 48:17) Paano? May mga prinsipyo, o simulain, na makakatulong sa iyo. Ang mga prinsipyo sa Bibliya ay mga katotohanan na nagpapakita ng kaisipan at damdamin ng Diyos. Minsan, kapag nagbabasa tayo ng isang ulat o kuwento sa Bibliya, nalalaman natin ang nararamdaman ng Diyos tungkol sa isang bagay. Kapag naiintindihan natin ang nararamdaman ni Jehova, nakakagawa tayo ng mga desisyon na makakapagpasaya sa kaniya.

      2. Ano ang dapat mong pag-isipan bago ka gumawa ng desisyon?

      Sinasabi ng Bibliya: “Pinag-iisipan ng marunong ang bawat hakbang niya.” (Kawikaan 14:15) Ibig sabihin, bago tayo magdesisyon, kailangan natin ng panahon para pag-isipan ang mga puwede nating pagpilian. Habang ginagawa natin ito, tanungin ang sarili: ‘Anong mga prinsipyo sa Bibliya ang puwede kong gamitin? Alin dito ang magbibigay sa akin ng kapayapaan ng isip? Paano makakaapekto sa iba ang magiging desisyon ko? At ang pinakamahalaga, mapapasaya ba nito si Jehova?’​—Deuteronomio 32:29.

      Si Jehova lang ang may karapatang magsabi kung ano ang tama at mali. Kaya kapag alam na alam natin ang mga utos at prinsipyo niya at determinado tayong sundin ang mga ito, magkakaroon tayo ng malinis na konsensiya. Ang konsensiya ay ang likas na kakayahang malaman ang tama at mali. (Roma 2:​14, 15) Makakatulong ang isang sinanay na konsensiya para makagawa tayo ng tamang desisyon.

      PAG-ARALAN

      Pag-aralan pa kung paano makakatulong ang mga prinsipyo sa Bibliya at ang konsensiya kapag nagdedesisyon.

      3. Gawing patnubay ang Bibliya

      Paano tayo mapapatnubayan ng mga prinsipyo sa Bibliya kapag gumagawa ng mga desisyon? Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: Gabayan Kayo ng mga Simulain sa Bibliya (5:​54)

      • Ano ang kalayaang magpasiya?

      • Bakit tayo binigyan ni Jehova ng kalayaang magpasiya?

      • Ano ang ibinigay niya para matulungan tayo na makagawa ng tamang desisyon?

      Tingnan ang isang prinsipyo sa Bibliya. Basahin ang Efeso 5:​15, 16. Pagkatapos, talakayin kung paano magagamit sa “pinakamabuting paraan ang oras” o panahon mo para . . .

      • regular na mabasa ang Bibliya.

      • maging mabuting asawa, magulang, o anak.

      • makadalo sa mga pulong.

      4. Sanayin ang konsensiya para makagawa ng tamang desisyon

      Kapag may malinaw na utos mula sa Bibliya, madaling gumawa ng tamang desisyon. Pero paano kung walang utos sa isang partikular na bagay o sitwasyon? Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: “Magtaglay Kayo ng Isang Mabuting Budhi” (5:​13)

      • Sa video, ano ang ginawa ng isang sister para sanayin ang budhi, o konsensiya niya, at makagawa ng desisyon na magpapasaya kay Jehova?

      Bakit hindi natin dapat asahan ang iba na gumawa ng desisyon para sa atin? Basahin ang Hebreo 5:14. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Kahit mas madali na iba ang magdesisyon para sa iyo, ano ang dapat na makilala, o maunawaan mo?

      • Ano ang makakatulong sa iyo para masanay ang konsensiya mo at makagawa ng tamang desisyon?

      Isang lalaking nagmamaneho habang may GPS sa dashboard ng sasakyan niya. Tinitingnan niya ito para hindi maligaw sa pupuntahan niya.

      Gaya ng isang mapa, magagabayan tayo ng konsensiya natin na makagawa ng tamang desisyon sa buhay

      5. Irespeto ang konsensiya ng iba

      Iba-iba ang magiging desisyon ng bawat tao sa isang sitwasyon. Paano natin irerespeto ang konsensiya ng iba? Tingnan ang dalawang sitwasyon:

      Sitwasyon 1: Isang sister na mahilig mag-makeup ang lumipat sa isang kongregasyon. Hindi sanay ang mga sister doon na makakita ng ganoon.

      Basahin ang Roma 15:1 at 1 Corinto 10:​23, 24. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Kung pag-iisipan ng sister na iyon ang mga teksto, ano ang puwede niyang maging desisyon? Ano ang gagawin mo kung sinasabi ng konsensiya mo na tama ang isang bagay pero nakokonsensiya rito ang iba?

      Sitwasyon 2: Alam ng isang brother na hindi ipinagbabawal ng Bibliya ang katamtamang pag-inom ng alak, pero mas gusto pa rin niya na hindi uminom. Inimbitahan siya sa isang gathering at nakita niya ang mga kapatid na umiinom ng alak.

      Basahin ang Eclesiastes 7:16 at Roma 14:​1, 10. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Kung pag-iisipan ng brother na iyon ang mga teksto, ano ang puwede niyang maging desisyon? Ano ang gagawin mo kung nakokonsensiya ka na gawin ang isang bagay, pero nakita mo na ginagawa ito ng iba?

      Mga dapat gawin bago magdesisyon

      Babaeng nananalangin.

      1. Manalangin kay Jehova bago magdesisyon.​—Santiago 1:5.

      Ang babae ring iyon na nagre-research gamit ang Bibliya, mga publikasyong base sa Bibliya, at computer.

      2. Mag-research gamit ang Bibliya at mga publikasyong base sa Bibliya para makita ang mga prinsipyo na bagay sa sitwasyon mo. Puwede ka ring magtanong sa makaranasang mga kapatid.

      Ang babae ring iyon na nag-iisip.

      3. Pag-isipan ang magiging epekto ng desisyon mo sa konsensiya mo at ng iba.

      MAY NAGSASABI: “Karapatan kong gawin anuman ang gusto ko. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.”

      • Bakit dapat nating isipin ang mararamdaman ng Diyos, pati na ng iba?

      SUMARYO

      Makakagawa tayo ng tamang desisyon kung alam natin ang nararamdaman ni Jehova sa isang bagay at pag-iisipan natin ang magiging epekto nito sa iba.

      Ano ang Natutuhan Mo?

      • Paano ka makakagawa ng desisyon na magpapasaya kay Jehova?

      • Paano mo sasanayin ang konsensiya mo?

      • Paano mo irerespeto ang konsensiya ng iba?

      Subukan Ito

      TINGNAN DIN

      Paano ka makakagawa ng mga desisyong magpapatibay ng kaugnayan mo sa Diyos?

      “Gumawa ng mga Desisyong Magpaparangal sa Diyos” (Ang Bantayan, Abril 15, 2011)

      Alamin pa kung paano tayo pinapayuhan ni Jehova.

      Pinapatnubayan ni Jehova ang Bayan Niya (9:​49)

      Ano ang nakatulong sa isang lalaki nang mapaharap siya sa isang mahirap na desisyon?

      Unahin si Jehova at Mapapabuti Ka (5:​46)

      Paano mo mapapasaya si Jehova kapag napaharap ka sa isang sitwasyon na walang espesipikong utos?

      “Lagi Mo Bang Kailangan ng Utos Mula sa Bibliya?” (Ang Bantayan, Disyembre 1, 2003)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share