Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Piliing Mabuti ang mga Kaibigan Mo
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Aralin 48. Apat na magkakaibigan na nagse-selfie.

      ARALIN 48

      Piliing Mabuti ang mga Kaibigan Mo

      Masaya tayo kapag may malalapít tayong kaibigan. At kapag may problema, matutulungan nila tayo. Pero may babala ang Bibliya: Hindi lahat ay mabubuting kaibigan. Kaya paano ka makakapili ng mabubuting kaibigan? Pag-isipan ang mga tanong na ito.

      1. Paano makakaimpluwensiya sa iyo ang mga kaibigan mo?

      Puwede nating magaya ang mga tao na lagi nating kasama​—mabuting impluwensiya man sila o masama. At totoo ito kapag personal natin silang kasama o kahit sa social media. Sinasabi ng Bibliya: “Ang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong, pero ang sumasama sa mga mangmang [ang mga hindi umiibig kay Jehova] ay mapapahamak.” (Kawikaan 13:20) Kung mahal at sinasamba ng mga kaibigan natin si Jehova, matutulungan nila tayo na maging malapít sa kaniya at makapagdesisyon nang tama. Pero kung hindi sumasamba kay Jehova ang mga kaibigan natin, puwede nila tayong mailayo sa kaniya. Kaya pinapayuhan tayo ng Bibliya na piliing mabuti ang mga kaibigan natin. Kapag mahal ng mga kaibigan natin si Jehova, makikinabang tayo pati na rin sila. Magagawa nating “patuloy [na] pasiglahin ang isa’t isa at patibayin ang isa’t isa.”​—1 Tesalonica 5:11.

      2. Ano ang nararamdaman ni Jehova sa mga pinipili nating kaibigan?

      Pinipiling mabuti ni Jehova ang mga kaibigan niya. “Ang matuwid ay matalik niyang kaibigan.” (Kawikaan 3:32) Ano kaya ang mararamdaman ni Jehova kung pipili tayo ng mga kaibigan na hindi nagmamahal sa kaniya? Siguradong malulungkot siya! (Basahin ang Santiago 4:4.) Pero kung iiwasan natin ang masasamang kasama at lalapit tayo kay Jehova pati na sa mga nagmamahal sa kaniya, matutuwa siya sa atin at kakaibiganin niya tayo.​—Awit 15:​1-4.

      PAG-ARALAN

      Tingnan kung bakit mahalaga na pumili ng mga kaibigan at kung paano ka matutulungan ng mga kaibigan mo.

      3. Iwasan ang masasamang kasama

      Ang mga taong hindi nagmamahal sa Diyos at hindi sumusunod sa mga pamantayan niya ay masasamang kasama. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: Iwasan ang Masamang Kasama (6:​17)

      • Baka hindi natin namamalayan na nakikisama na tayo sa mga taong hindi nagmamahal kay Jehova. Paano ito puwedeng mangyari?

      Basahin ang 1 Corinto 15:33. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Sino sa tingin mo ang masasamang kasama? Bakit?

      Basahin ang Awit 119:63. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ano ang dapat mong hanapin sa isang kaibigan?

      Isang mangkok na punô ng mansanas. Isang bulok na mansanas na nilalangaw kaya nabubulok na rin ang ibang mansanas.

      Puwedeng masira ng isang bulok na mansanas ang iba pang mansanas. Paano ka naman maiimpluwensiyahan ng masasamang kasama?

      4. Puwede nating maging kaibigan kahit ang mga hindi natin kapareho

      Mababasa sa Bibliya ang pagkakaibigan ng dalawang lalaki sa sinaunang Israel na sina David at Jonatan. Hindi sila magkaedad at magkaiba sila ng kalagayan sa buhay. Pero matibay ang pagkakaibigan nila. Basahin ang 1 Samuel 18:1. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Bakit hindi lang mga kaedaran natin o kapareho ng kalagayan natin sa buhay ang puwede nating maging kaibigan?

      Basahin ang Roma 1:​11, 12. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ano ang puwedeng gawin ng magkakaibigang mahal si Jehova para mapatibay nila ang isa’t isa?

      Tingnan kung paano nakahanap ng mabuting kaibigan ang isang kabataan. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: Darating ang Kaibigan Nang Hindi Mo Inaasahan (5:​06)

      • Bakit nag-aalala ang mga magulang ni Akil sa mga pinili niyang kaibigan sa school?

      • Bakit gusto niya silang kaibiganin noong una?

      • Paano nawala ang kalungkutan niya?

      5. Kung paano ka magkakaroon ng mabubuting kaibigan

      Tingnan kung paano ka makakahanap ng tunay na kaibigan at kung paano ka magiging isang tunay na kaibigan. Panoorin ang VIDEO.

      VIDEO: Ano ang Tunay na Kaibigan? (4:​14)

      Eksena mula sa video na ‘Ano ang Tunay na Kaibigan?’ Isang kabataang kasama ng mga kaibigan niya na iba-iba ang edad, lahi, at kakayahan.

      Basahin ang Kawikaan 18:24 at 27:17. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Paano nagtutulungan ang mga tunay na magkakaibigan?

      • Mayroon ka bang ganiyang mga kaibigan? Kung wala, paano ka makakahanap nito?

      Basahin ang Filipos 2:4. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Para makahanap ng mga tunay na kaibigan, kailangan mong maging isang tunay na kaibigan. Paano?

      Mga larawan: Kabataang babae na nakaupong kasama ng tatlong malalapít niyang kaibigan. 1. Kinausap niya ang isa sa kanila sa telepono. 2. Kinausap niya ang isang may-edad nang sister sa Kingdom Hall. 3. Binisita niya ang isa sa kanila na nagdadalamhati.

      Para makahanap ng mga tunay na kaibigan, kailangan mong maging isang tunay na kaibigan

      MAY NAGSASABI: “Kung masyado kang mapili sa kaibigan, hindi ka magkakaroon ng kaibigan.”

      • Ano ang sasabihin mo?

      SUMARYO

      Kapag pinili nating mabuti ang mga kaibigan natin, mapapasaya natin si Jehova at makikinabang tayo.

      Ano ang Natutuhan Mo?

      • Bakit mahalaga kay Jehova ang mga pinipili nating kaibigan?

      • Anong mga kaibigan ang dapat nating iwasan?

      • Paano ka magkakaroon ng mabubuting kaibigan?

      Subukan Ito

      TINGNAN DIN

      Tingnan kung paano tayo matutulungan ng mga tunay na kaibigan sa mahihirap na sitwasyon.

      “Patibayin ang Pagkakaibigan Bago Dumating ang Wakas” (Ang Bantayan, Nobyembre 2019)

      Alamin ang mga puwede mong gawin para makahanap ng mga tunay na kaibigan.

      “Paano Ako Magkakaroon ng Mabubuting Kaibigan?” (Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1, kabanata 8)

      Ano ang dapat mong malaman tungkol sa pakikipagkaibigan online?

      Maging Matalino sa Paggamit ng Social Network (4:​12)

      Sa kuwentong “Naghahanap Ako ng Kalinga ng Isang Ama,” alamin kung bakit iniwan ng isang lalaki ang dati niyang mga kaibigan.

      “Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay” (Ang Bantayan, Abril 1, 2012)

  • Pasayahin si Jehova sa mga Pinipili Mong Libangan
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 1. Ano ang mga dapat pag-isipan kapag pumipili ng mga libangan?

      Ano ang gusto mong gawin kapag nagrerelaks ka? May ilan na gusto lang sa bahay​—magbasa ng aklat, makinig ng musika, manood ng pelikula, o mag-Internet. May ilan naman na gustong lumabas kasama ng mga kaibigan nila​—mag-hiking, mag-swimming, o maglaro. Anuman ang gusto mong gawin, siguraduhin na ang mga pipiliin mong libangan ay “kalugod-lugod sa Panginoon.” (Efeso 5:10) Mahalagang maunawaan natin ito kasi karamihan sa mga popular na libangan sa ngayon ay may mga bagay na ayaw ni Jehova gaya ng karahasan, seksuwal na imoralidad, o espiritismo. (Basahin ang Awit 11:5.) Ano ang makakatulong para makapili tayo ng tamang libangan?

      Kung pipili tayo ng mga kaibigan na mahal si Jehova, magiging magandang impluwensiya sila sa atin at sa mga pipiliin nating libangan. Gaya ng natutuhan na natin, “ang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong.” Pero kung lagi tayong makikisama sa mga tao na hindi sumusunod sa mga pamantayan ng Diyos, “mapapahamak” tayo.​—Kawikaan 13:20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share