Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
    • Sa maibiging paraan ng pananalita ng isang ama, ang marunong na Haring Solomon ng sinaunang Israel ay nagsabi: “Anak ko, kung tatanggapin mo ang aking mga pananalita at pakaiingatan mo ang aking mga utos sa iyo, upang magbigay-pansin sa karunungan ang iyong tainga, upang ikiling mo ang iyong puso sa kaunawaan; bukod diyan, kung tatawag ka ukol sa pagkaunawa at ilalakas mo ang iyong tinig ukol sa kaunawaan, kung patuloy mong hahanapin itong gaya ng pilak, at patuloy mong sasaliksikin itong gaya ng nakatagong kayamanan, kung magkagayon ay mauunawaan mo ang pagkatakot kay Jehova, at masusumpungan mo ang mismong kaalaman sa Diyos.”​—Kawikaan 2:1-5.

  • “Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
    • Isip-isipin kung anong daming kayamanan ang naghihintay sa atin kapag malalim nating huhukayin ang Bibliya taglay ang isang pusong tapat. Aba, masusumpungan natin “ang mismong kaalaman ng Diyos”​—ang tumpak, di-nagbabago, at nakapagbibigay-buhay na kaalaman ng ating Maylalang! (Juan 17:3) “Ang pagkatakot kay Jehova” ay isa ring kayamanang matatamo. Napakahalaga nga ng may-pagpipitagang pagkatakot sa kaniya! Ang pagkatakot na hindi siya paluguran sa wastong antas ay dapat na mamayani sa bawat salik ng ating buhay, anupat nagdudulot ito ng espirituwal na halaga sa lahat ng ating ginagawa.​—Eclesiastes 12:13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share