Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paano Ko Dapat Pakitunguhan ang mga Taong Galít?
    Gumising!—2001 | Nobyembre 22
    • “Siya’y galit na galit. Sa palagay ko’y dahil sa nakita niyang maliit ako, gusto niya akong bugbugin. Habang umaatras ako, sinabi ko: ‘Sandali lang! Teka muna! Teka muna! Bakit ba gusto mo akong bugbugin? Wala naman akong ginagawa sa iyo. Ni hindi ko nga alam kung ano ang ikinagagalit mo. Puwede ba nating pag-usapan ito?’”​—16-anyos na si David.

  • Paano Ko Dapat Pakitunguhan ang mga Taong Galít?
    Gumising!—2001 | Nobyembre 22
    • Ganito ang matalinong payo na ibinibigay ng Bibliya: “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit, ngunit ang salitang nakasasakit ay pumupukaw ng galit.” (Kawikaan 15:1) Oo, ang pagtugon sa galit sa pamamagitan ng “salitang nakasasakit” ay lalo lamang nagpapalubha sa kalagayan. Gayunman, ang mahinahong sagot ay kadalasang nakapagpapahinahon sa mga bagay-bagay at nakapagpapakalma sa maigting na situwasyon.

      Alalahanin si David, na nabanggit sa pasimula. Nagawa niyang kausapin at pagpaliwanagin ang maton kung bakit ito nagagalit. Lumilitaw na may nagnakaw ng pananghalian ng maton, at inilalabas niya lamang ang kaniyang sama ng loob sa unang taong makasalubong niya. “Hindi maibabalik ng pagbugbog sa akin ang iyong pananghalian,” ang pangangatuwiran ni David. Pagkatapos ay iminungkahi niya na kapuwa sila magtungo sa kapitirya. “Yamang kilala ko ang nagtatrabaho roon,” gunita ni David, “nagawa kong mapalitan ang kaniyang pananghalian. Kinamayan niya ako, at naging palakaibigan na siya sa akin pagkatapos niyan.” Nakikita mo ba kung gaano kabisa ang mahinahong mga salita? Gaya ng pagkakasabi rito ng isang kawikaan, “ang mahinahong dila ay nakababali ng buto.”​—Kawikaan 25:15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share