Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang Karunungan ay Pananggalang”
    Ang Bantayan—2007 | Hulyo 15
    • Paano makaaapekto sa ating pananalita ang pagkakaroon ng karunungan? Sinasabi sa atin ng matalinong hari: “Siya na nagpapakita ng kaunawaan sa isang bagay ay makasusumpong ng mabuti, at maligaya siya na nagtitiwala kay Jehova. Ang may pusong marunong ay tatawaging may-unawa, at siyang matamis ang mga labi ay nagdaragdag ng panghikayat. Ang kaunawaan ay balon ng buhay sa mga may-ari nito; at ang pagdisiplina sa mga mangmang ay kamangmangan. Pinangyayari ng puso ng marunong na ang kaniyang bibig ay magpakita ng kaunawaan, at sa kaniyang mga labi ay nagdaragdag ito ng panghikayat.”​—Kawikaan 16:20-23.

  • “Ang Karunungan ay Pananggalang”
    Ang Bantayan—2007 | Hulyo 15
    • Kaya naman “ang may pusong marunong” ay tinatawag na “matalino” o “may pang-unawa”! (Kawikaan 16:21, Magandang Balita Biblia; Ang Biblia​—Bagong Salin sa Pilipino) Oo, ang kaunawaan ay “balon ng buhay” para sa mga nagtataglay ng katangiang ito. Paano naman ang mga mangmang? ‘Hinahamak nila ang karunungan at disiplina.’ (Kawikaan 1:7) Ano ang mangyayari sa kanila kung tatanggihan nila ang disiplina mula kay Jehova? Gaya ng nabanggit na, sinabi ni Solomon: “Ang pagdisiplina sa mga mangmang ay kamangmangan.” (Kawikaan 16:22) Nilalapatan sila ng higit pang disiplina, kadalasa’y mabigat na kaparusahan. Ang mga mangmang ay maaari ding dumanas ng hirap, kahihiyan, karamdaman, at maagang pagkamatay pa nga.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share