Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
    • Anong laking pasasalamat natin na ang tunay na karunungan at ang kaugnay rito na mga katangian ay nagsasanggalang din sa atin mula sa kasamaan ng imoral na mga lalaki at babae! Idinagdag ni Solomon na nariyan ang mga katangiang ito “upang iligtas ka mula sa di-kilalang babae, mula sa ibang babae na nagpapadulas ng kaniyang mga pananalita, na nag-iiwan sa matalik na kaibigan ng kaniyang kabataan at lumimot sa mismong tipan ng kaniyang Diyos. Sapagkat lumulubog ang kaniyang bahay sa kamatayan at ang kaniyang mga bakas ay pababa roon sa mga inutil sa kamatayan. Walang sinuman sa mga sumisiping sa kaniya ang babalik, ni matatamo man nilang muli ang mga landas ng mga buháy.”​—Kawikaan 2:16-19.

      “Ang di-kilalang babae,” ang patutot, ay inilarawan bilang isa na umiwan “sa matalik na kaibigan ng kaniyang kabataan”​—malamang ang kaniyang asawa noong siya ay isang kabataang dalaga.a (Ihambing ang Malakias 2:14.) Nakaligtaan niya ang pagbabawal sa pangangalunya na bahagi ng tipang Kautusan. (Exodo 20:14) Ang kaniyang bakas ay patungo sa kamatayan. Maaaring hindi na ‘matatamo muli’ ng mga nakikisalamuha sa kaniya “ang mga landas ng mga buháy,” yamang sa malao’t madali, aabot sila sa puntong hindi na sila makauurong pa, alalaong baga’y ang kamatayan, na mula rito ay hindi na sila maaaring makabalik. Batid ng isang taong may kaunawaan at kakayahang mag-isip ang mga bitag ng imoralidad, at may-katalinuhan siyang umiiwas na masangkot dito.

  • “Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan”
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
    • [Talababa]

      a Ang salitang “estranghero” ay kapit sa mga lumihis mula sa kung ano ang naaayon sa Kautusan at sa gayo’y naghiwalay ng kanilang sarili mula kay Jehova. Kaya, ang patutot​—hindi isang banyaga​—ang tinutukoy na “di-kilalang babae.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share