Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang Buong Katungkulan ng Tao”
    Ang Bantayan—1997 | Pebrero 15
    • 13. (a) Paano tayo tinutulungan ng Eclesiastes 9:4, 5 na magkaroon ng wastong pangmalas sa pagsusumakit ukol sa katanyagan o kapangyarihan? (b) Anong mga bagay ang dapat nating harapin kung talagang ganito na lamang ang buhay? (Tingnan ang talababa.)

      13 Ano ang ibinubunga sa dakong huli ng gayong katanyagan o awtoridad? Kung paanong ang isang salinlahi ay yumayaon at ang isa pa ay dumarating, ang mga prominente o makapangyarihang tao ay nawawala sa eksena at nalilimutan na. Totoo ito sa mga nagtatayo, musikero at iba pang dalubsining, repormador ng lipunan, at marami pa, kung paanong totoo ito sa maraming pulitiko at lider ng militar. Sa mga gawaing ito, ilang espesipikong tao ang kilala mo na nabuhay sa pagitan ng mga taóng 1700 at 1800? Tama ang pasiya ni Solomon tungkol sa mga bagay-bagay, anupat sinabi: “Ang asong buhay ay mas maigi kaysa isang leong patay. Sapagkat nalalaman ng mga buháy na sila’y mamamatay; ngunit hindi nalalaman ng mga patay ang anuman, . . . sapagkat ang alaala sa kanila ay nakalimutan.” (Eclesiastes 9:4, 5) At kung ganito na lamang ang buhay, kung gayo’y talagang walang-kabuluhan ang pagsusumakit ukol sa katanyagan o kapangyarihan.a

  • “Ang Buong Katungkulan ng Tao”
    Ang Bantayan—1997 | Pebrero 15
    • a May katalinuhang sinabi minsan ng The Watchtower: “Hindi natin dapat na sayangin ang buhay na ito sa mga bagay na walang-kabuluhan . . . Kung ganito na lamang ang buhay, wala nang anumang mahalaga. Ang buhay na ito ay tulad ng isang bolang inihahagis sa hangin na agad bumabagsak uli sa lupa. Ito ay isang humahagibis na anino, isang nalalantang bulaklak, isang dahon ng damo na pinuputol at agad na natutuyo. . . . Sa timbangan ng kawalang-hanggan ang haba ng ating buhay ay isa lamang katiting na butil. Sa agos ng panahon ay hindi man lamang ito isang malaking patak. Tiyak na tama [si Solomon] nang repasuhin niya ang maraming alalahanin at gawain sa buhay ng tao at ipahayag na walang-kabuluhan ang mga ito. Gayon na lamang kabilis ang ating pagpanaw anupat mas mabuti pang hindi na tayo umiral, isa sa mga bilyun-bilyong dumarating at yumayao, na kakaunti ang nakaaalam na narito tayo. Ang pangmalas na ito ay hindi naman mapang-uyam o malungkot o mapanglaw o masama. Ito ay katotohanan, isang bagay na dapat harapin, isang praktikal na pananaw, kung ganito na lamang ang buhay.”​—Agosto 1, 1957, pahina 472.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share