Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Matakot sa Tunay na Diyos at Sumunod sa Kaniyang mga Utos”
    Ang Bantayan—1987 | Setyembre 15
    • Pakibasa ang kabanata 9 at 10. Ang buhay ay mahalaga, at ibig ng Diyos na maligayahan tayo sa buhay (9:4, 7). Palibhasa’y hindi natin mapigil ang kalalabasan ng ating buhay (9:11, 12), mas mabuti na sundin ang maka-Diyos na karunungan, bagaman karamihan ng mga tao ay walang pagpapahalaga rito (9:17). Dahilan sa kawalang-kasiguruhan ng buhay, dapat na pag-ingatan natin ang ating puso (10:2), tayo’y pakaingat sa lahat ng ating ginagawa, at kumilos nang may praktikal na karunungan.​—10:8-10.

  • “Matakot sa Tunay na Diyos at Sumunod sa Kaniyang mga Utos”
    Ang Bantayan—1987 | Setyembre 15
    • Aral Para sa Atin: Yamang ang biglang kamatayan ay maaaring dumating sa kaninuman sa atin (9:12), gamitin natin ang ating buhay sa paglilingkod kay Jehova sakaling sa pagkamatay natin ay maglaho ang lahat ng bagay (9:10). At dapat ding tayo’y maging mahusay sa ating paglilingkod sapagkat ang hindi pagiging mahusay, kahit na lamang sa simpleng mga bagay na gaya ng paghuhukay o pagsisibak ng kahoy, ay maaaring makapinsala sa atin at sa iba.​—10:8, 9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share