Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tinutupad Mo ba ang Iyong Buong Katungkulan sa Diyos?
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
    • 12. Sa iyong sariling pananalita, paano mo ipaliliwanag ang sinabi ni Solomon gaya ng nakaulat sa Eclesiastes 12:11, 12?

      12 Kahit wala pang modernong paraan noon ng pag-iimprenta, napakarami nang mababasang aklat noong panahon ni Solomon. Paano ba dapat malasin ang gayong mga literatura? Sabi niya: “Ang mga salita ng marurunong ay gaya ng mga pantaboy sa baka, at gaya ng mga pakong ibinaon yaong mga nagsasagawa ng pagtitipon ng mga pangungusap; ang mga ito ay ibinigay mula sa isang pastol. May kinalaman sa anumang bagay bukod sa mga ito, anak ko, bigyang-pansin mo ang babala: Ang paggawa ng maraming aklat ay walang wakas, at ang labis na debosyon sa mga iyon ay nakapanghihimagod sa laman.”​—Eclesiastes 12:11, 12.

  • Tinutupad Mo ba ang Iyong Buong Katungkulan sa Diyos?
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 15
    • 14. (a) Anong uri ng mga aklat ang hindi natin dapat pag-ukulan ng “labis na debosyon”? (b) Anong literatura ang dapat nating pag-ukulan ng pangunahing pagsasaalang-alang, at bakit?

      14 Gayunman, bakit gayon ang pagkakasabi ni Solomon hinggil sa mga aklat? Buweno, kung ihahambing sa Salita ni Jehova, ang walang-katapusang mga aklat ng sanlibutang ito ay naglalaman lamang ng mga pangangatuwiran ng tao. Karamihan sa mga kaisipang ito ay nagpapaaninag ng kaisipan ni Satanas na Diyablo. (2 Corinto 4:4) Kung gayon, ang “labis na debosyon” sa gayong sekular na materyal ay walang gaanong saysay. Sa katunayan, ang pagmamalabis dito ay maaari pa ngang makapinsala sa espirituwal. Gaya ni Solomon, bulay-bulayin natin ang sinasabi ng Salita ng Diyos hinggil sa buhay. Mapalalakas nito ang ating pananampalataya at lalo tayong mápapalapít kay Jehova. Ang labis-labis na pag-uukol ng pansin sa ibang mga aklat o mga pinagkukunan ng instruksiyon ay makapanghihimagod sa atin. Lalo nang makasásamâ at makapipinsala sa pananampalataya sa Diyos at sa kaniyang mga layunin kung ang mga akdang iyon ay produkto ng makasanlibutang pangangatuwiran na salungat sa makadiyos na karunungan. Kung gayon, tandaan natin na ang pinakakapaki-pakinabang na mga akda noong panahon ni Solomon at sa ating panahon ay yaong nagpapaaninag ng karunungan ng “isang pastol,” ang Diyos na Jehova. Inilaan niya ang 66 na aklat ng Banal na Kasulatan, at sa mga ito tayo dapat mag-ukol ng sukdulang pansin. Ang Bibliya at ang pantulong na mga publikasyon ng ‘tapat na alipin’ ay nagpapangyari sa atin na matamo “ang mismong kaalaman sa Diyos.”​—Kawikaan 2:1-6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share