-
Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang ImpluwensiyaAng Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya
-
-
19. Anong mga halimbawa sa Bibliya ang nagpapakitang hindi naman masama para sa mga pamilya na magsaya?
19 Hinahatulan ba ng Bibliya ang pagsasaya? Hinding-hindi! Sinasabi ng Bibliya na may “panahon upang tumawa . . . at panahon upang maglulukso.”b (Eclesiastes 3:4) Ang bayan ng Diyos sa sinaunang Israel ay nasiyahan sa musika at pagsasayaw, paglalaro, at bugtungan. Dumalo si Jesu-Kristo sa isang malaking piging ng kasalan at sa “isang malaking piging” na inihanda ni Mateo Levi para sa kaniya. (Lucas 5:29; Juan 2:1, 2) Maliwanag, si Jesus ay hindi killjoy. Huwag sanang malasin sa inyong sambahayan na ang pagtawa at pagsasaya ay mga kasalanan!
-
-
Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang ImpluwensiyaAng Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya
-
-
b Ang salitang Hebreo rito na isinaling “upang tumawa,” sa ibang anyo, ay maaari ring isaling “upang maglaro,” “upang magdulot ng aliw,” “upang magdiwang,” o “upang magsaya” pa nga.
-