Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tampok na Bahagi sa Awit ni Solomon
    Ang Bantayan—2006 | Nobyembre 15
    • 2:7; 3:5​—Bakit ang mga babae sa korte ay pinanumpa “sa harap ng mga babaing gasela o sa harap ng mga babaing usa sa parang”? Ang mga gasela at mga usa ay kilala sa kanilang kagandahan at pagiging kahali-halina. Sa diwa, ang mga babae sa korte ay pinanunumpa ng dalagang Shulamita sa harap ng lahat ng bagay na kahali-halina at maganda na huwag nilang sikaping pukawin sa kaniya ang pag-ibig.

  • Mga Tampok na Bahagi sa Awit ni Solomon
    Ang Bantayan—2006 | Nobyembre 15
    • 2:7; 3:5. Hindi naakit ang probinsiyana kay Solomon. Ang mga babae sa korte ay pinanumpa rin niya na huwag nilang tangkaing pukawin sa kaniya ang pag-ibig para sa iba maliban sa binatang pastol. Hindi puwede ni angkop man na maakit sa basta kanino na lamang. Ang isang Kristiyanong binata o dalaga na nagnanais mag-asawa ay dapat na maghanap lamang ng isang tapat na lingkod ni Jehova.​—1 Corinto 7:39.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share