Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Kamay ni Jehova ay Naging Mataas
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • ‘Isang Piging Para sa Lahat ng mga Bayan’

      6, 7. (a) Anong uri ng piging ang inihanda ni Jehova, at para kanino? (b) Ano ang inilalarawan ng piging na inihula ni Isaias?

      6 Gaya ng isang maibiging ama, si Jehova ay hindi lamang nagsasanggalang kundi nagpapakain din sa kaniyang mga anak, lalo na sa espirituwal na paraan. Pagkatapos na palayain ang kaniyang bayan noong 1919, naghanda siya para sa kanila ng isang piging para sa tagumpay, isang saganang suplay ng espirituwal na pagkain: “Si Jehova ng mga hukbo ay tiyak na gagawa para sa lahat ng mga bayan, sa bundok na ito, ng isang piging ng mga putaheng malangis, isang piging ng alak na pinanatili sa latak, ng mga putaheng malangis na punô ng utak sa buto, ng alak na pinanatili sa latak, sinala.”​—Isaias 25:6.

      7 Ang piging ay nakahanda sa “bundok” ni Jehova. Ano ang bundok na ito? Ito ay “ang bundok ng bahay ni Jehova” na doon ang lahat ng mga bansa ay humuhugos “sa huling bahagi ng mga araw.” Ito’y “banal na bundok” ni Jehova, kung saan ang kaniyang tapat na mga mananamba ay hindi mananakit at hindi maninira. (Isaias 2:2; 11:9) Sa mataas na dakong ito ng pagsamba, inihahanda ni Jehova ang kaniyang saganang piging para sa mga tapat. At ang espirituwal na mabubuting bagay na ngayo’y saganang inilalaan ay lumalarawan sa pisikal na mabubuting bagay na kaniyang ilalaan kapag ang Kaharian ng Diyos ang naging tanging pamahalaan ng sangkatauhan. Kung gayon ay mawawala na ang gutom. “Magkakaroon ng saganang butil sa lupa; sa taluktok ng mga bundok ay mag-uumapaw.”​—Awit 72:8, 16.

      8, 9. (a) Anong dalawang malaking kaaway ng sangkatauhan ang aalisin? Ipaliwanag. (b) Ano ang gagawin ng Diyos upang alisin ang kadustaan sa kaniyang bayan?

      8 Yaong mga nakikibahagi na ngayon sa espirituwal na piging na inilaan ng Diyos ay may maluwalhating pag-asa. Pakinggan ang sumunod na salita ni Isaias. Sa paghahambing sa kasalanan at kamatayan sa isang “gawang hinabi,” o “balot,” na nakapipigil sa paghinga, sinabi niya: “Sa bundok na ito ay tiyak na lalamunin [ni Jehova] ang mukha ng balot na bumabalot sa lahat ng mga bayan, at ang gawang hinabi na nakahabi sa lahat ng mga bansa. Lalamunin niya ang kamatayan magpakailanman, at tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha mula sa lahat ng mukha.”​—Isaias 25:7, 8a.

  • Ang Kamay ni Jehova ay Naging Mataas
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • [Mga larawan sa pahina 275]

      “Isang piging ng mga putaheng malangis”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share