-
Isang Panunumbalik sa Tunay na DiyosAng Paghahanap ng Tao sa Diyos
-
-
3, 4. (a) Ano ang inihula ni Isaias hinggil sa “huling bahagi ng mga kaarawan”? (b) Anong mga tanong ang nangangailangan ng sagot?
3 Mahigit na 700 taon bago kay Kristo, inihula ni Isaias na ang mga tao mula sa lahat ng bansa ay pipisanin sa tunay na pagsamba ni Jehova at hindi na sila mag-aaral ng pakikidigma. Sinabi niya: “At mangyayari nga na sa huling bahagi ng mga kaarawan ang bundok ng bahay ni Jehova ay matibay na matatatag sa taluktok ng mga bundok, . . . at doo’y dadagsa ang lahat ng bansa. At tiyak na marami ang paroroon at magsasabi: ‘Halina, tayo’y umahon sa bundok ni Jehova, sa bahay ng Diyos ni Jacob; at ituturo niya sa atin ang kaniyang mga daan, at tayo’y lalakad sa kaniyang mga landas.’ Sapagkat mula sa Zion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem. At tiyak na hahatulan niya ang mga bansa at itutuwid ang mga bagay-bagay sa gitna ng mga tao. At kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging karit. Ang bansa ay hindi na magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa sila ng pakikidigma.”a—Isaias 2:2-4.
4 Sa lahat ng relihiyon sa daigdig, alin ang namumukod-tangi sa pagtugon sa mga kahilingang ito? Sino ang tumangging mag-aral ng pakikidigma sa kabila ng mga pagkabilanggo, mga concentration camp, at hatol na kamatayan?
Pag-ibig Kristiyano at Neutralidad
5. Anong ulat hinggil sa Kristiyanong neutralidad ang naitatag ng mga Saksi ni Jehova bilang mga indibiduwal, at bakit?
5 Kilala sa buong daigdig ang mga Saksi ni Jehova dahil sa kanilang indibiduwal na salig-sa-budhing paninindigan sa Kristiyanong neutralidad. Sa ika-20 siglong ito ay nagtiis sila ng pagkabilanggo, mga concentration camp, pagpapahirap, pagtatapon, at pag-uusig sapagkat tumanggi sila na isakripisyo ang kanilang pag-ibig at pagkakaisa bilang pandaigdig na kongregasyon ng mga Kristiyano. Noong 1933-45, humigit-kumulang isang libong Saksi ang namatay at libulibo ang nabilanggo sa Nazing Alemanya dahil sa pagtangging makipagtulungan kay Hitler sa digmaan. Gayundin, sa ilalim ni Franco sa dati’y Fasistang Espanya, daandaang kabataang Saksi ang nabilanggo at marami ang gumugol ng tigsasampung taon sa mga bilangguang militar dahil sa hindi pagsasanay sa digmaan. Hanggang sa araw na ito sa maraming bansa, maraming kabataang Saksi ni Jehova ang nakabilanggo dahil sa Kristiyanong neutralidad. Gayunman, ang mga Saksi ni Jehova ay hindi nakikialam sa mga pamahalaan sa kanilang mga programang militar. Sa lahat ng mga alitan at digmaan ng ika-20 siglo ang isa sa di-nagbabagong paniwala ng mga Saksi ay ang di-natitinag na Kristiyanong neutralidad sa makapolitikang mga gawain. Ito ang nagtatatak sa kanila bilang tunay na mga tagasunod ni Kristo at nagtatangi sa kanila sa mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan.—Juan 17:16; 2 Corinto 10:3-5.
6, 7. Ano ang naunawaan ng mga Saksi ni Jehova hinggil sa Kristiyanismo?
6 Dahil sa panghahawakan sa Bibliya at sa halimbawa ni Kristo, ipinamamalas ng mga Saksi ni Jehova na itinataguyod nila ang pagsamba sa tunay na Diyos, si Jehova. Nakikilala nila ang pag-ibig ng Diyos na naaaninaw sa buhay at hain ni Jesus. Batid nila na ang tunay na pag-ibig Kristiyano ay nagbubunga ng nagkakaisang pandaigdig na kapatiran—malayo sa mga hidwaan ng politika, lahi, at bansa. Kaya, ang Kristiyanismo ay hindi lamang internasyonal; kundi supranasyonal pa, o hindi nababahagi ng pambansang mga hangganan, pamahalaan, o kapakanan. Para sa kanila ang lahi ng tao ay isang pamilya na may iisang ninuno at iisang Maylikha, ang Diyos na Jehova.—Gawa 17:24-28; Colosas 3:9-11.
-
-
Isang Panunumbalik sa Tunay na DiyosAng Paghahanap ng Tao sa Diyos
-
-
a Ang huling dalawang pangungusap na ito ay nasa “Pader ni Isaias” sa harap ng mga gusali ng UN at maging sa isang estatwa at mga hardin ng UN, kaya ang pagtupad nito ay isa sa tunguhin ng UN.
-
-
Isang Panunumbalik sa Tunay na DiyosAng Paghahanap ng Tao sa Diyos
-
-
[Mga larawan sa pahina 346]
Sinasabi ng estatwa ng kapayapaan ng UN: “Papandayin namin ang aming mga tabak upang maging sudsod”; ibinibigay ng “Pader ni Isaias” ang teksto ng Bibliya
-