Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Magtiwala kay Jah Jehova!
    Ang Bantayan—1988 | Enero 15
    • 1, 2. Anong masayang awit ng papuri ang nasa Isaias 26:1-6, at bakit?

      ANG pagbababa sa “bayan ng malulupit na mga bansa” ay nangangailangan ng isang awit ng tagumpay! (Isaias 25:3) Angkop kung gayon, na sa hula na nasa Isaias kabanata 26, talatang 1 hanggang 6, ay may masayang awit ng papuri sa Soberanong Panginoong Jehova. Kahit na ngayon ay inaawit ito “sa lupain ng Juda,” yamang ang Juda ay “Pinuri” ang ibig sabihin. Dito, na naman, sa King James Version ay ginagamit ang pananalitang “ang PANGINOONG JEHOVA” kung saan ang banal na pangalan ay lumilitaw nang dalawang beses. Subalit lalong kapana-panabik ang mga salita ng awit na iyan ayon sa makikita sa New World Translation, na kung saan dito at sa lahat ng iba pang katatagpuan sa banal na pangalan ay tama ang pagkakasalin!

      2 Pakinggan ngayon ang matamis na awit na iyan: “Tayo’y may matibay na lunsod. Ang kaligtasan ay inilagay niya [ni Jehova] na pinaka-kuta at pinaka-katibayan. Ang mga pintuang bayan ay buksan ninyo, ninyong mga tao, upang mapasukan ng matuwid na bansa na nag-iingat ng katapatan. Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan na ang pag-iisip ay sumasa-iyo sapagkat sa iyo siya tumitiwala. Magtiwala kayo kay Jehova kayong mga tao, sa lahat ng panahon, sapagkat nasa kay Jah Jehova ang batong walang-hanggan. Sapagkat ibinaba niya sila na nagsisitahan sa mataas, ang bayang mataas. Kaniyang ibinababa iyon, kaniyang ibinababa iyon hanggang sa lupa; kaniyang ibinabagsak iyon hanggang sa alabok. Yayapakan iyon ng paa, ang mga paa ng dukha, ang mga yapak ng mga mapagpakumbaba.” Anong laking kagalakan ang mapabilang ka sa mga nagtitiwala na ngayo’y nakikibahagi sa pag-awit ng awit na ito​—ang mga Saksi ni Jehova!

  • Magtiwala kay Jah Jehova!
    Ang Bantayan—1988 | Enero 15
    • 4, 5. (a) Ano “ang bayang mataas,” at paano niyayapakan iyon sa makasagisag na paraan ng bayan ni Jehova? (b) Kailan ang lubos na katuparan ng hula ng Isaias 26:10, at paano nga natutupad ito? (c) Ano ang iba pang katuparan ng hulang ito?

      4 Samantalang tayo’y nagbababala na saglit na lamang at ibababa ni Jehova “ang bayang mataas,” ang “Babilonyang Dakila,” nakagagalak na makitang ang mga dukha at mapagpakumbaba sa lupa ay tumatanggap sa mabuting balita ng Kaharian. (Apocalipsis 18:2, 4, 5) Sa makasagisag na paraan ay kanila rin namang niyayapakan ang “bayang mataas” na iyon, hindi sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bahagi sa gawaing pagpuksa, kundi sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagbabalita ng araw ng paghihiganti ni Jehova sa bulok na sistemang iyan. (Isaias 61:1, 2) Sa loob ng marami nang mga taon ngayon, ang mga Saksi ni Jehova ay nagpakita ng kabaitan maging sa mga balakyot man sa pamamagitan ng pagdalaw sa kanilang mga tahanan dala ang nagliligtas-buhay na mensahe ng Kaharian. Subalit ang resulta ay gaya ng sinabi sa Isaias 26:10: “Magpakita man ng awa sa balakyot, hindi rin siya matututo ng katuwiran. Sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian at hindi niya makikita ang kamahalan ni Jehova.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share