Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patuloy na Magbigay-Babala Tungkol sa Pambihirang Gawain ni Jehova
    Ang Bantayan—1991 | Hunyo 1
    • 17, 18. Papaanong si Jehova ay naging isang putong ng marilag na hiyas at isang diadema ng kagandahan sa kaniyang bayan?

      17 Inilalahad ni propeta Isaias ang maligayang kalagayan ng mga naninindigan sa panig ng dalisay na pagsamba. Kaniyang sinasabi: “Sa araw na iyan si Jehova ng mga hukbo ay magiging mistulang putong ng marilag na hiyas at mistulang isang diadema ng kagandahan sa mga nalabi ng kaniyang bayan, at pinaka-diwa ng katarungan sa isang nauupo sa paghatol, at pinaka-lakas sa mga nagpapaurong sa kaaway.”​—Isaias 28:5, 6.

  • Patuloy na Magbigay-Babala Tungkol sa Pambihirang Gawain ni Jehova
    Ang Bantayan—1991 | Hunyo 1
    • 19. Sino ang isang nakaupo upang humatol, at papaanong si Jehova ay naging pinaka-diwa ng katarungan sa kaniya?

      19 Kay Jesus, ang “isang nauupo sa paghatol,” si Jehova ay naging “pinaka-diwa ng katarungan.” Nang narito si Jesus sa lupa, siya ay tumangging padaig sa nakalalasing na espiritu ng makasanlibutang mga alyansa. Sa ngayon, bilang nakaluklok na Hari ni Jehova, siya ay puspos ng banal na espiritu, na pumapatnubay sa kaniya sa paggawa ng timbang, malinaw-ang-pangmalas na mga desisyon. Natupad kay Jesus ang hula: “Ang espiritu ni Jehova ay sasakaniya, ang espiritu ng karunungan at ng kaunawaan, ang espiritu ng payo at ng kalakasan, ang espiritu ng kaalaman at ng pagkatakot kay Jehova.” (Isaias 11:2) Totoo naman, sa pamamagitan ni Jesus, gagawin ni Jehova na “katarungan ang pinaka-pising panukat at katuwiran ang pinaka-pabató.” (Isaias 28:17) Samantalang ang mga kaaway na mga lasing sa espirituwal ay mangapupuksa bilang mga talunan, ang banal na pangalan at pansansinukob na soberanya ni Jehova ay maipagbabangong-puri nga.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share