-
Ang Espirituwal na mga Maglalasing—Sino Sila?Ang Bantayan—1991 | Hunyo 1
-
-
20, 21. Ano ang walang-patid na inihahayag ng mga Saksi ni Jehova, ngunit ano ang tinatanggihang gawin ng mga lider ng Sangkakristiyanuhan?
20 Tungkol sa mga katulad nila ang hula ay nagsasabi: “Sa mga pinagsabihan niya: ‘Ito ang dakong-pahingahan. Pagpahingahin ninyo ang pagód. At ito ang dako ng kaginhawahan,’ subalit hindi nila pinakinggan. At sa kanila ang salita ni Jehova ay magiging ‘utos at utos, utos at utos, bilin at bilin, bilin at bilin, kaunti rito, kaunti roon,’ upang sila’y humayo at matisod at mabuwal at magkawatak-watak at masilo at mahuli.”—Isaias 28:12, 13.
-
-
Ang Espirituwal na mga Maglalasing—Sino Sila?Ang Bantayan—1991 | Hunyo 1
-
-
22. Ano ang tahasang ipinatatalastas ni Jehova sa mga lider ng Sangkakristiyanuhan?
22 Sa gayon, ang makahulang mga salita ni Isaias ay nagbibigay sa klero ng tahasang patalastas na si Jehova ay hindi laging magsasalita sa pamamagitan ng Kaniyang di-nakapipinsalang mga Saksi. Hindi na magtatagal, ipatutupad ni Jehova ang kaniyang “utos at utos, bilin at bilin,” at ang resulta ay kapahamakan para sa Sangkakristiyanuhan. Ang kaniyang mga relihiyosong lider at ang kanilang mga kawan ay ‘magkakawatak-watak at masisilo at mahuhuli.’ Oo, katulad ng Jerusalem noong una, ang relihiyosong pamamalakad ng Sangkakristiyanuhan ay lubusang wawasakin. Anong nakagigitla, di-inaasahang pangyayari ang magaganap! At anong kakila-kilabot na resulta ang kahihinatnan sapagkat ang pinili ng klero ay espirituwal na kalasingan imbes na ang mga paalaala ni Jehova!
-